Sunday, October 16, 2005

at long last

Pagkatapos ng Mahabang panahon
Eto at nagbabalik muli ang aking update.. sabi kanina sa misa ay "Mahirap paligayahin ang taong komplikado."Oo nga eh...buti na lang simple lang akong tao. hehehe.
makakuha lang ako ng C sa math, physics at sa programming para na akong nanalo sa lotto
makahawak ng gitara at makatugtog, buo na araw ko

makapagbenta lang ng joke sabay kampay, ayos na ako

makita ko lang masaya ang mga taong nagpapasaya sa akin, pwede na akong mamatay

sa dami nang nangyari sa buhay ko sa mga nakaraang mga buwan, mawawalan ng saysay kung kukuwento ko pa, hayaan na lamang ito sa kaibuturan ng aking memorya hangga't di pa ako ulyanin.

sana talaban na ako ng sembreak punk...
kalimutan muna ang mga inaral...
ipahinga ang utak...
sabayan sa pagsaliw ang mundong ginagalawan.

hindi pala ako simpleng tao, akala ko lang pala.
sana sa pagtalab ng sembreak na ito, sabayan na rin ng pagiging simple at payapang buhay ko.
na sobrang komplikadong mangyari.

oh ayan...
sayona...
sayonara