Wednesday, August 18, 2010

Naiinip na ako

Gusto ko nang simulan lahat lahat ng mga binabalak ko.
Ganun na ako ka-excited at ka-bored na walang ginagawa.

Note to self:
Ekai, huwag kang magmadali.
Ang tumakbo ng matulin, kung matinik ay malalim.
Hinay hinay lang. Hinay hinay lang.
Inhale-exhale.
:-D

Tuesday, August 17, 2010

Kanina

Kaninang madaling araw, nakatanggap ako ng di inaasahang tawag. Nakagugulat. Sabi ko na nga ba sa bilyong tao sa mundo, may kahit isang taong nagmamahal pa rin sa akin bukod sa boys ko.
hahahaha.

Makaalis na muna ng bahay at matingnan ang real world.
Sa totoo lang, hindi na ako sanay lumabas ng bahay at makisalamuha sa mga tao.
Pero ganun naman lagi, hanggang masanay ulit.

Sana naman wala na akong makilalang manggogoyo o manloloko na sasamantalahin ang aking pagkaasiwa sa mundo at pagkailang sa iba lalo na ang aking karukupan..
hahaha. labo. dyan lang naman ako sa tabi-tabi pupunta.

Sunday, August 15, 2010

Thought for the day:

"WALA NAMANG TAONG NAGSISIMULA SA TAAS, BUKOD SA TAONG NAGHUHUKAY."
-Brod Pitt

Sunday, August 08, 2010

Ngayong Agosto

Nakatanggap ako ng isang napakagandang regalo.
Pumuslit lang ako para sabihing napakasaya ko na sa wakas kapiling ko na si Jio.

Jio, mahal na mahal kita gaya ng pagmamahal ko kay Vansi.

Mukhang matatagalan pa bago ako makapagsulat dahil magiging abala ako bukod doon lumalala na rin ang sira ng aking mga mata. Wala pa akong pampagawa ng salamin. Sana may magsauli ng salamin ko.

Pansamantalang mawawala muli ako sa mundo ng mga bloggers. Pero kapag kayang kaya ko na, mabubuhay muli ang pahinang ito kasama ng bagong pahinang ilulunsad ko sa malapit na future. :-D