Wednesday, December 12, 2007

Update. Update. Update.

Parang roller coaster ang buhay noh? hehe. Gasgas na bang linya yun? Pero ngayong mga nakaraang buwan, pakiramdam ko space shuttle ng Enchanted Kingdom yung nasakyan ko.
Paikot-ikot at halos hindi na masundan ng puso ko sa bilis. Nakahihilo. Buti hindi naman ako nagsuka.

Maraming bagay ang nagpapalungkot sa akin. Nagkataon lang na mas matimbang at mas marami ang mga bagay na nagpapangiti sa akin ngayon..

Ang gulo talaga ng aking buhay at ang drama ko ngayon ay walang nakakaintindi sa akin nang lubusan. Pero hindi ko naman gusto o kailangang maunawaan nila ako eh. Sapat na sa aking nananatili silang nandyan, sa kabila ng mga kalabuan ko sa buhay.

Gusto ka nalang din samantalahin ang pagkakataong pasalamatan at hingan ng pasensya ang aking mga magulang, kapatid, kaibigan, housemates, tropa, natatangi kong minamahal na si yog at higit sa lahat ang Dakilang Lumikha (na sa kabila ng Kanyang kawalanghangganan ay ninanais pa rin ng sangkatauhang Siya'y magagap)


Masaya ako kahit ganito na kakomplikado ang buhay ko. At buhay na naman ang mumunti kong puwang sa mundo ng internet.