Wednesday, May 31, 2006

Biyudang Mahilig, Nanginginig

seryoso 'to!nabasa ko sa tabloid na Tonite. At hindi ako ang bumili nun. nakita ko lamang iyon sa upuan sa bahay ng tita ko. Sa pag-aakalang may horoscope ito, binasa ko na at nakita ko na nga yun.
Pero sino nga bang maniniwala sa akin...Huhuhu. Sa mga gustong malaman ang kabuuang istorya, tapusing basahin ang post na ito. Grabe, iba talaga ang pakiramdam ng makatulog nang mahaba. Eto yung artikulo:

Dakong alas-kuwatro ng hapon, ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Junefe Olivares, namataan ang biyudang si Tess Bomba*, 42, ng 43 Ilang-ilang st. Saint Dominic Mayamot Antipolo, Rizal na lumiligid-ligid sa kahabaan ng overpass sa may Raon nang nanginginig.
Nilapitan ng salarin ang tinderang si Grace Agraviado na isa sa mga bihasang tindera ng mga sandata-nakamamatay man o nakabubuhay. Tinanong niya ang huli kung nnnnaaaaagbebebentataaa baaa ssssiyaaa ng viiiibrraaatoooo$. Tumango si Grace at muling nagtanong si Bomba ng “mmememron baaa kakakyyyo nuuung malalalalakkkii aaat kuuulalalay iiittiim?” iritableng sumagot ang biktimang tindera ng, “oho, ilan ba kukunin nyo?”
Inundayan siya ng malupit na tanong ni Bombang, “Hihihiindi aaakooo bibibili. Tatatanooonng kokoko lang kkuung papapaaano baaa iiiyooon piiinnnaapapapataaay?” at isinambulat ang karimarimarin na pangitain sa biktima.
Agad na isinugod ang dalawa sa Antipolo City Medical Center. Si Bomba ay sumailalim kaagad sa isang major operation sapagkat isang sentimetro na lamang ang litaw sa sandata kaya hindi na makita ang switch nito. Samantalang si Grace ay kasalukuyan nang nagpapagaling mula sa tinamong labis na depresyon.
Sinampahan na ng kasong Illegal Possession of Firearms which resulted to 2 counts of emotional depression si Bomba sa WDP Station 8 sa tapat ng Project 4 Pamilihang bayan at kung saan din napabalitang may nagpapakitang white lady.
Ayon kay SPO1 Olivares, hindi raw lisensyado ang sandatang ginamit ni Bomba. Kaya naman ito raw ay kukumpiskahin at gagamitin niya, na ebidensya laban sa nasasakdal.

* tunay na pangalan, remind ko lang.

Tuesday, May 30, 2006

Gupitan na...

Pagkatapos ng dalawampu't apat na oras na walang tulog at isang oras na idlip, sumilip ako sa bintana. Kumusta naman yun.Ang agang mabuhay ng mga tao sa Libertad. Sabay tanong sa sarili, anong ginagawa ko sa kuwartong iyon? Bago ko pa mahanap ang kasagutan sa aking tanong. Isang kakaibang init ang aking naramdaman. Isang init na tumatagos sa aking pagkatao. Kumikiliti sa aking kaluluwa at nagpapanginig sa aking kalamnan. unti-unting tumindi ang init. damang dama na ng aking pantog ang kakaibang sensayon. Libog ba ito?

*isang pagbabalik-tanaw:
ako habang masayan at aliw na aliw na kinakagat-kagat ang Mongol kong lapis
kaibigan: libog lang yan (sabay himas sa balikat)
ako: huh?(sa pinaka-inosenteng tonong iyong maiisip)


Malibog ba ako?tumitindi ang init na nararamdaman...

*isa ulit pagbabalik-tanaw:
ako(ilang araw palang ang nakalilipas): nanay, ano po ang libog?
nanay: Ang libog anak ay isang matinding nararamdaman sa bandang alam mo yun. Kapag biglang pumapasok si tatay mo sa banyo at hawak ang kanyang...
ako: alin po?
mama: kumukulo na sinaing, anak.


Libog ba itong nararamdaman ko?sumasakit na ang pantog ko. Ayaw kong makita nila akong nagkakaganito. Alam kong ikahihiya nila ako. Ano na lamang ang sasabihin ng nanay ko, ng mga kapitbahay namin, ng mga taga-Libertad! Scandal ito. Shet. Pero di ko na mapipigilan. Bigla akong tumakbo papunta sa banyo.Sa una, marahan lang. ayaw kong biglain. Unti-unting bumibilis. hinihingal na ako. Di ko na ito napigil. Ayan na.. Ayan na...

*dahan-dahan kong naririnig si Tito, Vic at Joey na umaawit:
"isang libo* isang tuwa, EAT BULAGA."

Ayan na tuloy. sumabog na. unti-unting nabasa ang aking pantalon at ang sahig. Sabay sigaw, "kasi si Kuya ang tagal jumebs.Katok na ako nang katok sa banyo eh, tuloy naihi na ako.Huhu" At least nakaraos, mapanghi nga lang. Akala ko yun na yung libog, wiwi lang pala.

Inaamin kong libog na libog na akong simulang ibahagi ang mga nalikom kong hibla ng mga karanasan at naipundar na pambabarbera. Simulan na ang gupitan