Thursday, July 16, 2009

Sana ideklara ni GMA na walang pasok sa July 21 dahil...

Darating si Kobe sa Pinas at gusto ko sanang makita siya nang personal.

Kung gusto nyong malaman ang mga detalyo pindutin nyo ang salitang ITO.

Hay, hindi man ako super fan ng Lakers o kahit ni Kobe mismo. Siya pa rin si Kobe.

Monday, July 13, 2009

Monday the 13th

*ang titulo ay ideyang nagmula sa isang blog entry ni kaibigan kong si Randy

Hindi naman ako minalas. Andami ko lang kailangang gawin ngayon, kaya lang marami pang gumugulo sa isip ko. Kanina, nagkaroon kami ng diskusyon ng isang espesyal na kaibigan tungkol sa relasyon ng pagmamahal at pagtitiyaga.

Ako: Pwede kang magtyaga nang hindi nagmamahal ...
Siya: pero hindi ka puwedeng magmahal nang hindi nagtiyatiyaga

Hindi ka ba talaga puwedeng magmahal nang hindi nagtiyatiyaga? Naniniwala naman ako pero mas matimbang sa akin ang sagot na DEPENDE..
Please paliwanagan nyo ako.