Kanina, nagising ako mula sa isang panaginip. Nanginginig ako sa galit. Sobrang apektado ako, na gusto kong patayin yung taong nagpahirap sa akin sa panaginip kong yun. Naiyak ako. seryoso yun. Sa kabila ng mga luhang iyon, bigla kong naalala si Mr. X. (Naks, pang-pocketbook!) Habang umiiyak, kinuha ko ang isa sa mga bagay na nagpapakalma sa akin—ang aking cellphone.
Talagang si Mr. X ang naalala ko. Bakit hindi na lang sila Mr. A to Y? Siguro, wala nang makapapantay dun sa tiwalang binigay ko kay Mr. X at wala na akong maisip pang kaibigan na malapit dun sa tiwalang yun. Naalala ko pa dati, tanging siya lamang yung taong pinagsasabihan ko ng mga kahinaan ko sa buhay. Takot ako sa ganito…takot akong mangyari ito…takot akong mawala sa akin ang mga bagay na mahalaga sa akin. Kaya naman nung naalala ko siya, nandun na naman ang pananabik kong i-text siya.
Paano ko magagawa yun eh pinutol ko na ang aming komunikasyon. Alam ko na, babawiin ko na ang mga nasabi ko sa kanya. Paano? Padala kaya ako ng joke para light kaagad yung atmosphere. Pero baka magtaka lang sya at dis oras pa ako ng gabi nagtext, maiilang siya malamang. Eh di quote na lang kaya para dramatic yung effect. Parang di maganda ang dating nun, mabigat. Quote na tungkol sa joke o joke na tungkol sa quote? Nakakabaliw naman yun. Personal message na nga lang.
Pero paano ko sisimulan?
a. “hi *toot*! Alam mo ba, yung tinext ko dati? Uy, joke lang yun. natawa ka ba? Benta noh?”
(weh?!
b. “musta na, *toot*? Na-wrongsend ata ako sa’yo dati.”
(kumusta naman yun mas lalong di convincing)
c. “hello, *toot*! Antagal mo na akong di tinetext ah! Miss na nga kita eh. Hiniram kasi sa akin yung phone ko ng kuya ko ng isang buwan, baka may tinext siya sa’yo. Wag kang maniwala sa kanya.”
(at syempre nandamay pa.)
Para sa inyong sagot:
Text etoangitextmo
Sobrang napiga ang utak ko kaiisip ng kung anong sasabihin sa kanya. Kaya naman nauwi na lamang ako sa maprinisipyo kong “paninindigan ko ang mga nasabi ko dati.” Ngunit, may isang tanong na bumabagabag sa akin nang husto, “eto na ba yung isa sa mga konkretong kabayaran ng desisyong ginawa ko noon?” Gusto kong bumawi na, pero tingin ko huli na ang lahat para sumigaw ng “no deal.” (o sobrang nahihiya na lang ako sa kanya)
Muli kong naalala ang aking panaginip. Nagngitngit na naman ako sa galit. At mula sa galit na iyon, naalala ko siya at naging matinding lungkot ang galit. Nangyari ito nang paulit-ulit sa loob ng isang oras. Shet. Nakakabaliw. Haha. What’s new, matagal na akong baliw.
Bigla kong napansing bukas ang bintana sa aking kuwarto. Napansin ko ring umuulan pala nang malakas. Ika nga ng mga tinuturuan ko sa erya, It’s raining cats and dogs. Ganun kalakas. Gaano na kaya katagal umuulan? Kasintagal na ba ng pagdadrama ko sa buhay? Biglang kumidlat at sinundan ng mahina at malayong tunog ng kulog. Napadasal tuloy ako, “Lord, huwag nyo pong ipadedevelop ha? Di po ako nakapag-ayos.”
Patuloy ang pag-ulan. Patuloy ang pagtatalo ng galit at lungkot na mangibabaw sa aking kalooban. Nagpatuloy ito hanggang agawin ng dilim, ulan, galit at lungkot ang aking buong kamalayan… in other words, nakatulog na ako.
*******
Tingin ko masaya ka na naman. Hayaan mong ako ang di maka-move on.hehe.
Namimiss lang kita siguro...