Kung alam lang nila, grabehan ang pag-aasam kong magkaroon ulit ng ka-chummyhan, kayakapan, kaiyakan at iba pa. Kaso wala nang magkamali… haha. Pagkakamali nga ba yung ginawa mo, baby? Haha.
Nakakamiss pala yun. Yung may maipagmamalaking boyfriend na tangay-tangay mo everywhere. Ililibre ka kapag lalabas kayo at minsan ililibre mo naman din para hindi naman siya mabaon sa kahirapan. Yung makakasabihan mo ng “tulog na. Huwag ka nang magpuyat, maaga ka pa bukas. I love you. Good night! mwah!” at minsan makakatampuhan mo rin. Yung magbibigay sa iyo ng roses kapag Valentine’s Day at bubudbudan ka ng sandamakmak na regalo tuwing monthsary o anniversary ninyo. Yung hahalikan ka nang matamis at hindi mo na ipapanalanging matapos yung sandaling yun.
Nakakamiss talaga noh? Pero ngayon lang, sa tagal-tagal ng panahon, ko naintindihan kung bakit hindi ako dapat magmadali sa pagpasok sa isang relasyon.
Ngayong college, masyado kong pinabayaan ang aking sarili na gawin ang lahat ng bagay na nagpapasaya sa akin. Marami akong na-prioritize na hindi naman dapat o hindi naman kailangang aksyunan sa lalong madaling panahon. Pero inuna ko ang mga bagay na iyon dahil ditto ako masaya. Gaya ngayon, nagsusulat ako dahil masaya ako sa pagsusulat kong ito kaysa mag-aral para sa exam ko bukas.
Pagkatapos ng tatlong taon ko sa college, saka ko lang na-realize kung bakit may kanya kanyang panahon ang mga bagay-bagay.
Gaya ng pag-ibig. Bukod sa walang dumarating. Dahil hindi naman talaga ako naghahanap. (ayoko naman talagang maghanap kasi ayaw ko siya [kung sino man siya] na maguluhan kung mahal niya ba ako sa tamang dahilan—next written mumblings na ito. Promise) Ang dami ko pa palang pangarap sa buhay. Ang dami ko pang gustong gawin. Gusto kong masuklian lahat lahat ng kabutihan ng iba’t ibang nilalang sa akin. Gusto kong bigyan ng malapalasyong bahay ang pamilya ko. Gusto kong makabili ng maraming supply ng suka sa bahay dahil kahit kailan hindi masarap kumain ng kropek na wala nito. Gusto kong magpa-body spa twice a week. Gusto kong mag-alaga ng isang toy poodle
Kung hindi ka isang politiko, please proceed to the next paragraph baka hindi ka makarelate. Gusto kong maging sikat at bida ng sambayanan, magbida rin sa ilang pelikula, maging ka-close ang mga businessman, magkaroon ng at least taltong mansion o isang 3000-hectare na hacienda, magbulsa este magkamal ng limpak limpak na salapi. Huwag kang masyadong magpahalatang nakaka-relate. Hehe. Joke lang. Going back…
Ang pag-ibig? Walang panahon. This time, I mean it. Kasi una, kung ganoon lamang ang namimiss ko sa pakikipagrelasyon--ang babaw naman. At pangalawa, Hindi sa ayaw ko pero may panahon para rito pero hindi nga lamang ASAP. Gaya nung napakinggan kong sagot ng isang biyuda nang tanungin siya kung bakit hindi na siya nag-asawa pa ulit. Ang sabi niya:
If you are married to a king, why will you settle for a prince?
Ang lupet noh? This must be true love. Sana sa susunod na pumasok ako sa isang relasyon, masabi ko rin iyon. Erase na sa aking alaala ang kasabihang:
If you are waiting for the right person to come, what if the right person for you is also waiting for you? Be the right person.
Diyan ka lang right person ko ha? Magaling si God. Mas dramatic at mas romantic ang ating pagniniig kung Siya ang May pakana. Hindi niya hahayaang hindi tayo magkita. Kaya sa’yo hari ko, I’m looking forward to see you. Sana ay handang handa na ako kapag nagkakilala tayong dalawa o sa muling pagtagpo ang ating mga daan kung nakilala na kita.
Pero kung mashoshonga-shonga nga ako ulit at mabulag ng isang prinsepe, ayos lang naman.