Naalala ko nung September 5, 2006 ang first ever experience kong mawalan ng pera. at oh well, eto pala yung paglalabas ko ng sama ng loob. Medyo luma na ang mga hirit kaya naman sakyan mo na lang:
Nasalisihan ako. shet. Kasi pocha naman kaya nga tinawag ang coin purse na ganun dahil coins lang ang nilalagay dapat dun at hindi libo-libong pera. Pocha talaga.
Oo alam ko pera lang yun. pero shet talaga.
Bakit sa lahat pa nang puwedeng madukutan, ako pa? Bakit hindi na lang yung lalaki kanina sa banko na milyon milyon ang kanyang winithdraw? Bakit hindi na lang yung mga kurakot na opisyal na walang alam gawin kung hindi nakawan ang kaban ng bayan? Bakit hindi na lang ang mga drug lord, pusher, illegal recruiter, rapist, kumakain ng azucena, construction officials nung ipatatayong village sa La Mesa Park o kapitan at crew ng lumubog na tanker sa Guimaras?
Bakit kailangang ako? Ako, na kagagaling lang ng hospital dalawang linggo na ang nakararaan at kalalabas lang din ng kapatid sa hospital kanina. Ako, na kailangang kailangan ng pera dahil mayroon akong kailangang panoorin ang “Penguin, penguin paano ka ginawa?” para sa Philo long test ko. Ako, na pumunta sa dalawang banko sa loob ng isang araw para i-encash ang perang pakikinabangan lang pala ng iba. Ako, na sobrang broke. Shet talaga.
Siguro…
kasi, naging tama lang ang lahat ng pangyayari para matuto ako nang tama. Nasa tamang lugar at tamang oras ako habang may tamang taong kailangang kumuha ng pag-aari ng iba. At dapat sa karanasang ito, matuto ako na hindi tama ang magpalagay na magiging tama ang lahat para sa iyo. Pero…mali talaga ang buong pangyayari. Shet. Kung puwede lang tamaan ng lintek yung kumuha nun.
Iniisip ko na lang tuloy na kailangan niya ng pera pampagamot sa may sakit niyang ina kahit alam ko namang possible ring pinang-inom o pinang-juts na niya ang katas ng pagpapagod ng aking utak para lang maipasa ang scholarship grant na pinagkunan ko ng allowance kong iyon.
Iniisip ko na lang na parang wala lang ang nangyari. Tutal, hindi ko naman gaanong nadama ang presensya ng salaping iyon sa aking buhay. Kumbaga, panaginip lang ang pagkakaroon ko ng pera at pagkawala din nito.
Iniisip ko na lang na…
Tigilan na ang pag-iisip. Oh well, pera lang yun. (Kahit hindi naman talaga LANG yun). Gaya nga ng sabi ng kuya ko, babalik din sa akin yun at tiyak na mas malaki pa.
Amf. pampalubag-loob.
Grabeng Bitterness ito.
Shet.c