Thursday, October 30, 2008

Pablo Banila has a crush on me

yan ang nakalagay sa gif nyang profile picture: pablo banila, yes, pablo banila has a crush on you hahahahahahahahalolololuhahaha that's why he viewed your homepage cutenun!

ang effort ha dahil gumagamit pa siya ng iba't ibang multiply id na binubura niya afterwards.. gaya ng edwardward, panalol, p4b10b at blackbetweenthestars.

for that, malapit na rin kitang maging crush..ahahaha (o ha, nilaanan pa kita ng blog entry ha)

Friday, October 17, 2008

Past is PAST

Matagal nang hiniling sa akin ng masugid kong mambabasa (feeling sikat) at tunay na kaibigang magsulat tungkol sa nakaraan. Eksaktong isang taon na nang hilingin nya iyon. Dahil na rin sa nakakahilong byaheng tinahak ko sa nakalipas na isang taon, nawala na sa isip ko. Kanina habang nililinis ko ang aking mga files sa my documents ni Tinker ko, nakita ko ang isang word document na nagsasaad:

Past! Past? Past.

* requested me again to write about “Dealing with your Ex” in English. And being a really really nice friend, his wish is my command.

Actually, he wanted me to write something about “getting even” with your ex. I was attacked by my Magis mode, that’s why I’ll tell you more than that.

Hindi ko na alam kung anong punto ng mga linyang iyon. Kung ano ba tungkol sa nakaraan ang gusto kong isulat. Hindi bale, itutuloy ko na lang ulit pero sa Tagalog na lang.

Sa totoo lang, madali akong maka-move on sa mga nakaraan kong relasyon. Hindi talaga tumatagal nang isang buwan o dalawa ang pagmumukmok ko pero hindi ako impokrita para sabihing hindi pa ako umiyak dahil sa pakikipaghiwalay. Naniniwala kasi akong nasa paraan ng pagtingin at pag-iisip kung paano mo dadalhin ang katatapos pa lang na relasyon. Kung papaapekto ka nang masyado at mauuwi sa pagbaboy mo ng buhay mo, ikaw ang talo.

Nakakaaliw lang isipin, hindi ko alam kung ganun din ikaw, pero kapag sobrang bago niyo pa lang naghiwalay halos naaalala mo siya sa lahat ng bagay na makikita, maamoy, maririnig at mahahawakan mo. Kahit sa pagkahol ng aso kayang ipaalala sa iyo ang sabay ninyong pagkain ng azucena sa Bagiuo nang minsang nag-out of town kayo. O kaya naman, sa simple pag-utot mo mapapaluha ka kasi di mo maiwasang isipin ang pamatay niyang pick up line na “hey did you fart? Coz you blew me away” at dahil dun sa linyang yun nakuha niya ang NASL mo. Exaj man yung mga halimbawa ko pero naranasan ko yung ganun kababaw at hindi ko pinapansin na mga bagay; kapag hiwalay na, isinisigaw ng mga bagay na iyon ang kanilang pag-iral sa dating mundong kaming dalawa lang ng ex ko ang nabubuhay. Ang saklap pero kapag wala na sa iyo yun, matatawa kang teka naging ganito pala ako o kaya nasabi ko pala yung ganun.

Higit sa lahat, paano ka kapag nagkita kayo mata sa mata ng ex mo? Pero depende rin sa kung paano kayo naghiwalay. Madalas sa unang kita, sobrang hirap kasi alam mong hindi na kayo gaya nung dati. Hindi na kayo puwedeng mag-HHWWPSSP. Hindi na rin kayo puwedeng magbatuhan nang matatamis na tinginan, ngiti at salita gaya nang dati. Hindi mo na siya matatawag na bhie, bhe, bebe, vhe, hon, ney, ga, mahal, luv, prinseza, azawa coh o anumang terms of endearment nyo. Nakakailang. Sobra. Malala pa nun kapag may kasama na siyang iba.

Paano ba ako nakitungo sa mga ex ko? Hmmm… Karaniwan, kapag katapos kong magmukmok, umiyak at alalahanin ang lahat ng mga magagandang alaala naming magkasama, humaharap ako sa salamin at sinasabi ko sa sarili kong “Ekai, tama na. Iniluwal ka sa mundong wala siya sa buhay mo kaya, kayang kaya mong mabuhay nang wala siya.” Sabay balik sa dating pamumuhay-single. Kapag hindi maiiwasang makasalubong ko siya o kaya makasama sa isang grupo dahil kailangan, ipinapakita ko sa lalaking okay na ako at masaya ako sa kung ano ako pagkatapos makipagrelasyon sa kanya. Minsan may halong ka-bitteran pa iyon kasi plastic yung tawa sabay sandal sa nalilink na iba sa iyo sa harap niya pero ang loser ng ganun. Nakakahiya mas nagmumukha kang hindi naka-move on. Hindi ko pa naman nagawa yung tipong magpapakalasing ako’t magpapakalunod sa usok ng sigarilyo araw-araw tapos magda-drugs pa dahil sa nasaktan ako ng lalaki.

Sa kabila ng mga sakit na nagawa sa akin ng mga nakaraan ko, hindi kailanman sumagi sa isip ko ang salitang ganti. Ewan. Pero para saan pang gumanti ka o magpariwara kung kada nahihimasmasan ka, alam mo at kailanman hindi mo maloloko ang sarili mo, na hindi na kayo. Ang mga alaala na pinagsamahan ninyong dalawa, hindi naman iyon makakalimutan ng magkabilang panig talaga. Kaya walang masama kung pakaiingatan mo ang mga alaalang yun. Basta hindi sapat ang masaktan ka para makagawa ka ng mga bagay na makakasakit sa iba lalo na sa dati mong ka-relasyong naging karamay mo’t kasama sa mga panahong naniniwala ka pang “truly, love is in the air.” Kapag umaapaw ang galit ko sa ex ko o kahit pa sa mga kaibigan ko, lagi kong tinatatak sa isip ko yung mga mabubuting alaala naming magkasama. Kasi sa mga nakalipas na relasyon, ang panghahawakan mo na lang ay ang inyong mga alaala.


Kay * magreact ka na lang.hahaha.oy, sabi mo magba-bonding tayo di ba?