Thursday, October 05, 2006

buhay ako ulit!

Kapag tinatanong ako ng aking mga kamag-anak at mga kaibigan kung bakit wala akong boyfriend, ang lagi kong sinasagot ay wala na akong panahon para sa ganyang mga bagay. Sa totoo lang, hindi naman iyon yung nasa isip ko. Syempre, defense mechanism lang yun ng mga taong tulad ko—sawi sa pag-ibig.

Kung alam lang nila, grabehan ang pag-aasam kong magkaroon ulit ng ka-chummyhan, kayakapan, kaiyakan at iba pa. Kaso wala nang magkamali… haha. Pagkakamali nga ba yung ginawa mo, baby? Haha.

Nakakamiss pala yun. Yung may maipagmamalaking boyfriend na tangay-tangay mo everywhere. Ililibre ka kapag lalabas kayo at minsan ililibre mo naman din para hindi naman siya mabaon sa kahirapan. Yung makakasabihan mo ng “tulog na. Huwag ka nang magpuyat, maaga ka pa bukas. I love you. Good night! mwah!” at minsan makakatampuhan mo rin. Yung magbibigay sa iyo ng roses kapag Valentine’s Day at bubudbudan ka ng sandamakmak na regalo tuwing monthsary o anniversary ninyo. Yung hahalikan ka nang matamis at hindi mo na ipapanalanging matapos yung sandaling yun.

Nakakamiss talaga noh? Pero ngayon lang, sa tagal-tagal ng panahon, ko naintindihan kung bakit hindi ako dapat magmadali sa pagpasok sa isang relasyon.

Ngayong college, masyado kong pinabayaan ang aking sarili na gawin ang lahat ng bagay na nagpapasaya sa akin. Marami akong na-prioritize na hindi naman dapat o hindi naman kailangang aksyunan sa lalong madaling panahon. Pero inuna ko ang mga bagay na iyon dahil ditto ako masaya. Gaya ngayon, nagsusulat ako dahil masaya ako sa pagsusulat kong ito kaysa mag-aral para sa exam ko bukas.

Pagkatapos ng tatlong taon ko sa college, saka ko lang na-realize kung bakit may kanya kanyang panahon ang mga bagay-bagay.

Gaya ng pag-ibig. Bukod sa walang dumarating. Dahil hindi naman talaga ako naghahanap. (ayoko naman talagang maghanap kasi ayaw ko siya [kung sino man siya] na maguluhan kung mahal niya ba ako sa tamang dahilan—next written mumblings na ito. Promise) Ang dami ko pa palang pangarap sa buhay. Ang dami ko pang gustong gawin. Gusto kong masuklian lahat lahat ng kabutihan ng iba’t ibang nilalang sa akin. Gusto kong bigyan ng malapalasyong bahay ang pamilya ko. Gusto kong makabili ng maraming supply ng suka sa bahay dahil kahit kailan hindi masarap kumain ng kropek na wala nito. Gusto kong magpa-body spa twice a week. Gusto kong mag-alaga ng isang toy poodle o kahit anong kalahi nito. Gusto kong mag-top sa CoE board examination if ever mayroon nga. Gusto kong maging isang executive sa isang sangay ng gobyerno.

Kung hindi ka isang politiko, please proceed to the next paragraph baka hindi ka makarelate. Gusto kong maging sikat at bida ng sambayanan, magbida rin sa ilang pelikula, maging ka-close ang mga businessman, magkaroon ng at least taltong mansion o isang 3000-hectare na hacienda, magbulsa este magkamal ng limpak limpak na salapi. Huwag kang masyadong magpahalatang nakaka-relate. Hehe. Joke lang. Going back…

Ang pag-ibig? Walang panahon. This time, I mean it. Kasi una, kung ganoon lamang ang namimiss ko sa pakikipagrelasyon--ang babaw naman. At pangalawa, Hindi sa ayaw ko pero may panahon para rito pero hindi nga lamang ASAP. Gaya nung napakinggan kong sagot ng isang biyuda nang tanungin siya kung bakit hindi na siya nag-asawa pa ulit. Ang sabi niya:

If you are married to a king, why will you settle for a prince?

Ang lupet noh? This must be true love. Sana sa susunod na pumasok ako sa isang relasyon, masabi ko rin iyon. Erase na sa aking alaala ang kasabihang:

If you are waiting for the right person to come, what if the right person for you is also waiting for you? Be the right person.

Diyan ka lang right person ko ha? Magaling si God. Mas dramatic at mas romantic ang ating pagniniig kung Siya ang May pakana. Hindi niya hahayaang hindi tayo magkita. Kaya sa’yo hari ko, I’m looking forward to see you. Sana ay handang handa na ako kapag nagkakilala tayong dalawa o sa muling pagtagpo ang ating mga daan kung nakilala na kita.

Pero kung mashoshonga-shonga nga ako ulit at mabulag ng isang prinsepe, ayos lang naman.

Monday, August 14, 2006

I had a bad dream

Kanina, nagising ako mula sa isang panaginip. Nanginginig ako sa galit. Sobrang apektado ako, na gusto kong patayin yung taong nagpahirap sa akin sa panaginip kong yun. Naiyak ako. seryoso yun. Sa kabila ng mga luhang iyon, bigla kong naalala si Mr. X. (Naks, pang-pocketbook!) Habang umiiyak, kinuha ko ang isa sa mga bagay na nagpapakalma sa akin—ang aking cellphone.

Talagang si Mr. X ang naalala ko. Bakit hindi na lang sila Mr. A to Y? Siguro, wala nang makapapantay dun sa tiwalang binigay ko kay Mr. X at wala na akong maisip pang kaibigan na malapit dun sa tiwalang yun. Naalala ko pa dati, tanging siya lamang yung taong pinagsasabihan ko ng mga kahinaan ko sa buhay. Takot ako sa ganito…takot akong mangyari ito…takot akong mawala sa akin ang mga bagay na mahalaga sa akin. Kaya naman nung naalala ko siya, nandun na naman ang pananabik kong i-text siya.

Paano ko magagawa yun eh pinutol ko na ang aming komunikasyon. Alam ko na, babawiin ko na ang mga nasabi ko sa kanya. Paano? Padala kaya ako ng joke para light kaagad yung atmosphere. Pero baka magtaka lang sya at dis oras pa ako ng gabi nagtext, maiilang siya malamang. Eh di quote na lang kaya para dramatic yung effect. Parang di maganda ang dating nun, mabigat. Quote na tungkol sa joke o joke na tungkol sa quote? Nakakabaliw naman yun. Personal message na nga lang.

Pero paano ko sisimulan?

a. “hi *toot*! Alam mo ba, yung tinext ko dati? Uy, joke lang yun. natawa ka ba? Benta noh?”

(weh?! Sana lang convincing)

b. “musta na, *toot*? Na-wrongsend ata ako sa’yo dati.”

(kumusta naman yun mas lalong di convincing)

c. “hello, *toot*! Antagal mo na akong di tinetext ah! Miss na nga kita eh. Hiniram kasi sa akin yung phone ko ng kuya ko ng isang buwan, baka may tinext siya sa’yo. Wag kang maniwala sa kanya.”

(at syempre nandamay pa.)

Para sa inyong sagot:

Text etoangitextmo letter of your choice name, address at suking tindahanand send to Your Nanay for a chance to win a batok and a sermon from her.

Sobrang napiga ang utak ko kaiisip ng kung anong sasabihin sa kanya. Kaya naman nauwi na lamang ako sa maprinisipyo kong “paninindigan ko ang mga nasabi ko dati.” Ngunit, may isang tanong na bumabagabag sa akin nang husto, “eto na ba yung isa sa mga konkretong kabayaran ng desisyong ginawa ko noon?” Gusto kong bumawi na, pero tingin ko huli na ang lahat para sumigaw ng “no deal.” (o sobrang nahihiya na lang ako sa kanya)

Muli kong naalala ang aking panaginip. Nagngitngit na naman ako sa galit. At mula sa galit na iyon, naalala ko siya at naging matinding lungkot ang galit. Nangyari ito nang paulit-ulit sa loob ng isang oras. Shet. Nakakabaliw. Haha. What’s new, matagal na akong baliw.

Bigla kong napansing bukas ang bintana sa aking kuwarto. Napansin ko ring umuulan pala nang malakas. Ika nga ng mga tinuturuan ko sa erya, It’s raining cats and dogs. Ganun kalakas. Gaano na kaya katagal umuulan? Kasintagal na ba ng pagdadrama ko sa buhay? Biglang kumidlat at sinundan ng mahina at malayong tunog ng kulog. Napadasal tuloy ako, “Lord, huwag nyo pong ipadedevelop ha? Di po ako nakapag-ayos.”

Patuloy ang pag-ulan. Patuloy ang pagtatalo ng galit at lungkot na mangibabaw sa aking kalooban. Nagpatuloy ito hanggang agawin ng dilim, ulan, galit at lungkot ang aking buong kamalayan… in other words, nakatulog na ako.


*******
Tingin ko masaya ka na naman. Hayaan mong ako ang di maka-move on.hehe.
Namimiss lang kita siguro...

Monday, August 07, 2006

Beh was born

Ang bait talaga ng soul ko!!Biruin mo binigay nya sa akin si Beh...


Image hosted by Photobucket.com

Hayaan mo, aalagaan kita! promise...