Monday, August 08, 2005

Sa gitna ng pagkabagot sa Pisika...

di ko man lamang puwedeng sambitin ang pangalan mo
baka marinig nila at tuksuhin tayo
di ko man lamang puwedeng isulat ang mga alaala ko tungkol sa iyo
baka mabasa nila at pagdudahan ako
damdaming di kayang ipakita dahil ako ay nahihiya
kung maaari lang sana...
kung kaya ko lang sana.

minsan gusto ko nang bigyan ng kahulugan ang bawat sulyap mo sa akin
minsan gusto ko nang mabuhay sa pantasyang ikaw'y akin
minsan gusto ko nang malaman mo
kaya lang...

Physics natin ngayon
at abala ka sa paggawa ng lab report mo.

No comments: