Tuesday, August 30, 2005

Sa mga masugid na bumabasa ng blog ko, salamat lalo na sa iyo Angel. Pasensya na kung hindi na ito isang journal kung saan nasasaad ang pang-araw-araw na pangyayari sa aking buhay. Eto kasi yung gumugulo sa isipan ko sa mga nakalipas na araw...

Panalangin ko ay Ikaw

Sa taong akala nila ay ikaw:
Pasensya na.Di ko na naman sinasadyang akalain nilang ikaw nga pero di naman pala. Sorry talaga. Pero aaminin kong dati ay gusto kita. Napakatalino mo. Napakahinhin. Napakaguwapo. Napakagaling. Napaka.Napaka.Naparami na ata. Pero lahat na ata ng magagandang napaka na sa iyo na. Sana huwag kang magalit sa ginawa kong paglalagay ng larawan mo. Naaliw lang kasi ako pero walang ibang ibig sabihin yon. Gusto ko lang ipakita sa mga mambabasa ang kakaibang feature ng kamera ko. O di ba. Multiframe.

Sa taong dati ay ikaw:
Nasabi ko na ata sa iyo ang lahat. Wala na akong maisip sabihin, kasi baka tawanan mo lang ako at tuksuhing, "kulit mo talaga..."Nasabi ko na ata sa iyo ang lahat. Wala na akong maisip sabihin, kasi baka tawanan mo lang ako at tuksuhing, "kulit mo talaga..."Nasabi ko na ata sa iyo ang lahat. Wala na akong maisip sabihin, kasi baka tawanan mo lang ako at tuksuhing, "kulit mo talaga..."Nasabi ko na ata sa iyo ang lahat. Wala na akong maisip sabihin, kasi baka tawanan mo lang ako at tuksuhing, "kulit mo talaga..."Nasabi ko na ata sa iyo ang lahat. Wala na akong maisip sabihin, kasi baka tawanan mo lang ako at tuksuhing, "kulit mo talaga..." Makulit ba ako?

Sa taong akala ko ay ikaw:
Salamat sa pananatiling matatag. Sa pagtanggap ng bawat sakit, sa pagtiis ng bawat kirot na ibinigay ng mga pagsubok sa buhay. Sa muling pagbangon upang sabihin sa akin, "Wag kang mag-alala, ok lang ako!" Hanggang ngayon di pa rin tumitigil ang kaba pero kahit papaano ay nahimasmasan na. Salamat talaga ha?

Sa taong inaasam kong ikaw:
Di man lang nila alam kung sino ka. Marahil, dalawa o tatlo lang ang nakaaalam. Alam kong sa bilang na iyon, hindi ka kasama. Ni sa panaginip mo, alam kong di mo aakalaing ikaw. nakatatawa kasi di ka naman talaga malapit sa akin. Ewan ko ba. . Ang bait mo kasi. Tahimik ka pa at isang mabuting tagapakinig. Bihira lamang tayo mag-usap. Sa katunayan nga di tayo nagkita ngayon. Marami akong di alam tungkol sa'yo. Wala akong ideya kung ilan kayong magkakapatid, saan ka nakatira, anong paborito mong gulay o kaya nama'y bayani. Siguro, naaaliw lang ako sa iyo nang sobra. Kahit ano pa man itong nararamdaman ko , lam kong di mo pa rin alam na ikaw nga. Yaan mo darating din ang araw na mapapagod din ako sa lihim na pag-asa kong sana masuklian mo ang puwang mo sa buhay ko. Kapag dumating ang araw na iyon, malamang di mo pa rin alam.

Sa tunay na Ikaw:
Ikaw lang ang nais kong mahalin.
Nais kong mapasaiyo ang buo kong pagkatao.
Hawakan mo ang kamay ko at ilapit sa Iyo.
Alam kong marami ang pumipigil sa akin.
Pero sisikapin kong Ikaw lang.
Ikaw lang talaga.
Dito sa puso ko.
Dito sa buhay ko.
Nahihirapan na ako.
Nahihiya. Natatakot.
Kasi di kita kayang mahalin tulad ng pagmamahal Mo sa akin.
Panginoon, sana patuloy Nyong mahalin ako kahit na ang dami ko nang sablay sa Iyo.

No comments: