Kakainis. hay naku talaga. Akala ko ay ito na ang pinakamaganda kong semester kasi 18 units lamang ako. sama na natin ang PE. Bale, 20 na. Ayos din ang schedule ko. Makakapag-erya ako sa org. Dalawa lang ang subjects ko tuwing Biyernes. Half day lang. Hanggang dumating ang araw na ito!Nawala lahat...nawala!!grrrr!dahil sa aking @$#%$^#$ Engineering Mathematics na subject. Nagulo ang schedule ko. Lamu yun!!Kainis eh!!hay...pero wala na akong magagawa eh. Ganun talaga ang buhay eh. May mga biglaang bagay na nangyayari sa buhay natin tulad ng PAG-IBIG...hahaha..ang #$%^#^& noh?
Sa sobrang biglaan eh nadampot ko ang aking panulat at siyempre nagsulat...sige ibabahagi ko ang parte ng aking sulat sa taong nagpapasakit sa aking ulo at nagpapatalon ng aking puso.
Sa totoo lamang, nahulog na ang loob ko sa iyo.Mahal na ATA kita.hay...Hindi ko alam. Pagkagising ko, ikaw yung unang pumapasok sa aking isip. Paghiga ko bago matulog, hindi maaring hindi kita maalala. Kahit sa panaginip naroon ka. Tingin mo, pagmamahal na ba iyon?
Nararamdaman kong walang patutunguhan itong nararamdaman ko sa iyo. Alam kong sa pagbibigay ko ng maling pag-asa sa aking sarili at sa maaring ating kinabukasan, sinasaktan ko lamang ang aking damdamin.
Sobrang imposible. Lalo na, ikaw ay nakakulong sa isang nakaraang hindi mo naman nais takasan. Lalo na, ang atensyon, oras at pagmamahal mo ay nakalaan lamang sa taong sinaktan ka ilang taon na rin ang nakalipas. Saan pa ako lulugar? Wala. Siguro hanggang sa ------ na lamang ako sa iyo, kung saan tinuturuan mo akong ------ nang maayos. Siguro hanggang sa tapat na lamang ako ng ------, habang nagbibigya ka ng mga paalala bago tayo mag- --------.
Bakit ko ba ito ginagawa? Kasi gusto kong malaman mong masarap magmahal kahit minsan masakit. Alam kong masyado kang nagmahal at nasaktan pero hindi sapat na dahilan iyon para ikulong mo ang iyong sarili sa mga alaalang lalong nagtatali sa iyo sa nakaraan. Palayain mo na ang iyong sarili. Subukan mo ulit magmahal at magtiwala, hindi man sa akin. Subukan mo ulit bigyan ng pagkakataong lumigaya ka at paligayahin ng mga taong nagmamahal sa iyo. You don't deserve to suffer that long. Those years are enough. Move on.
Pansin nyo ba ang blog ko ay puro mood swing ng aking puso. Hahaha... pero this time iba. iba talaga. Di balem takot din akong magrisk ulit kaya ayos lang na ganito. Mas ayos namang magulo ang schedule ng mga klase kay sa maloka ka dahil sa tinatago at tinatanging pag-ibig.hahaha. mushy...eeeeeeeeww. Sana pagtiyagaan niyong basahin kahit kada isang salita kada araw. For sure matatapos niyo itong basahin bago ang next update. Sige. Maligayang Araw at Manigong bagong Semestre.
No comments:
Post a Comment