Friday, January 27, 2006

Steady lang

Nakakapagod talaga ang araw na ito. Una, napagod ako sa kaiisip kung ano ang kanilang ginawa ng aking mga kaklase sa aming Electronics class. Nag-cut kasi ako eh. Pangalawa, napagod ako kakaiisip sa iba’t ibang pangyayari sa Espanya, Inglatera at Pransya dahil mahabang pagsusulit namin sa History kanina. Pangatlo, napagod ako kasusulat ng aking pangalan habang naglilitanya ang guro ko sa matematika. Hay…kapagod talaga mag-aral.

Dahil may apat na oras akong break sa pagitan ng klase ko sa History at EngMa, nagpunta kami ni Johnlloyd sa Gilmore. Bumili kami ng flash disk. Grabe inabot kami ng 30 minuto kahahanap ng bibilhin. Ayos lang kasi masaya naman ako sa binili namin eh. Magkapatid yung flash disk namin. Haha. Parehas na kahel ang kulay. Ang ganda kasi kakaiba yung hitsura nito. 256 megabytes. Php 1300. Transcend ang tatak. Tingin mo mura na ba iyon? Napamahal man kami, sana hindi ko na malaman kasi nakakainis yun.

Tapos ay bumalik kami sa eskuwelahan at pumasok sa natitira pang mga klase, Pagkatunog ng bell ng 4:30nh. Ayos. Simula na ng unwinding ceremonies ng aking weekend. Organization period na kasi eh. Creativity session [powered by Edform] kanina kung saan nagkaroon ng triathlon. May tatlong stop kung saan ang una ay essay writing contest. Tapos, sinundan ito ng poster-making at photo essay. Nakakapagod talaga yun. Biruin mo ba naman ay kailangan mong gawin ang lahat ng ito sa loob ng 45 minuto?! Hala, asa! Pero kahit ganun siya katrabaho, nakaaaliw siya. Ganun pala ang pakiramdam ng gumawa ng proyekto 10 minuto bago ang klase. Nakakapraning. Haha. Kakadalang maging crammer.

Noong miyerkules lang ay napanood ko ang “Underworld: Revolution” Medyo predictable yung mga scenes. Pero nakita ko ang ideal guy ko—si Michael. Michael ha hindi Mike. Kasi isa siyang hybrid. Astig di ba? Willing akong maging si Celine para kanyang kalmutin at kagatin. Haha.

Ngayon naman, napanood ko ang “The Maid” ni Alexandra de Rosi. Isipin mo na lang ang mga scenes na makikita mo sa iba’t ibang Asian horror films. Yun na yun. Nung pinapanood ko yun, iniisip ko na lang na isa itong paraan ng pagsuporta sa mga artistang Pilipino. Sapat na yun para hindi ako manghinayang. Hay. Ah So-on. Hay. Esther Santos. Hay. Rosa. Hay. Wati. Ay trivia pala, yung name na Wati pangalan din siya ng kababata at kapitbahay ko. wala lang.

Day Spoilers:
Dalawang tao ang nambadtrip sa akin. Ina nila, mga bading!! Buti na lamang at di ako lalaki kung hindi matitikman nila ang bangis ng final punch from a south paw boxer. Sa bagay, bakit ko pag-aaksayahan ang mga walang kakuwenta-kuwentang taong tulad nila. Walang panahon.

Day Makers:
Mike A.: “Ate ekai, ikaw lang naman ang pinunta ko rito”
Ako: “I’m confused. Huwag kang ganyan at baka totohanin ko.”
Ang Bicol beauties, especially Carmi at Lilay. Love you, Girls!!
Orange Flash Disk and my love team mate John Lloyd
Tapsilog with Kuya Chris
Winning the Council Elections
Gitara

“Ang puso, tanga man madalas, ay napapagod din.”

No comments: