March 8: Long hair, no more!
Gagong este bagong gupit ako. Ang sarap ng feeling parang nasa ulap. Parang hindi panis ang aking lovelife. Parang nakahithit ka ng juts. Haha. Joke.
Nadevirginze ang buhok ko sa bago nitong style. Biruin mo, simula ng magkaisip ako eh hindi ko pa naranasan ang sobrang ikli ng buhok. Kaya para akong nanalo sa lotto nang sa wakas ay pumayag ang aking Mama na paputulan na ang buhok kong pinagastusan ko na rin ng libu-libo (simula ng ako’y pinanganak) para lamang manatili itong ‘ang ganda, ang soft at parang pina-salon.’
Mga sampung taon ko nang pinag-isipan ang pagpapagupit sa aking mahabang buhok. At pakiramdam ko, dumating na ang takdang araw para magpaalam sa kanya. Hinaplus-haplos ko siya habang sinasabi sa aking sariling kailangan na nating maghiwalay. Naalala ko pa ang mga magaganda at makukulay naming karanasan…Ang mga araw kung saan masaya ko siyang sinusuklay, ang mga araw na badtrip siya at wala akong magawa kung hindi makiramay sa kanyang ‘bad hair day’, at ang mga nalalabing araw bago kami maghiwalay. Naka-move on naman ako agad (after one second)…
Pagkarating ko ng alas-otso y medya ng gabi sa bahay, niyaya ko agad ang aking nanay na magpagupit, sabi niya ay ayaw niya at itinuro ang tita kong nagbabalak na ring magpagupit. Siyempre pinuntahan ko siya para tanungin kung gusto niyang magpagupit. Nung una, nagpapalibre sa akin. Pumayag na ako para lang may kasama na ako at matapos na diskusyon. Eh biglang kumambyo! Sabi niya hindi pa raw niya alam ang style na gagawin sa kanyang buhok. Binalingan ko naman si Doodz, ang nakababata kong kapatid para samahan ako. Malamang, humindi siya kasi allergic siya sa mga bading. Kapag binabati (as in greet ha?) ng mga ka-federasiyon eh gusto niyang maging si Incredible Hulk at durugin ang kanilang mga mukha. Hay nawawalan na ako ng pag-asa. Nung mga oras na iyon ay unti-unti nang gumuguho ang mundo ko.
Last option, ang bunso kong kapatid na si Babes (na nung mga oras an iyon ay abalang-abala sa paglalaro). Hinatak ko siya para samahan ako at pumayag siya. [ako:Yessss.] Pero sa isang kondisyon, [ako: sabi ko na nga ba eh…] papayagan ko siyang mag-DOTa o kaya ay maglaro ng FS. Haay…nasa kagipitan na ako kaya pumayag na rin ako. Habang naglalakad kami, nakulili ang tenga ko sa walang hanggan niyang pagkuwento kung gaano siya kagaling nang ginamit niya si Bone clinx at nag-God-like siya laban sa mga newbs sa lugar namin. [ako sa isip-sip: malapit na, tiis-tiis lang]
Ilang hakbang malapit sa parlor, naramdaman ko ang pagtalon ng aking puso sa kaba. Biglang may limang libo pitong daan animnapu’t siyam at talong kapat na tanong nagsulputan sa isip ko. Babagay kaya sa akin? Magugustuhan kaya ni ya? Magsisisi ba ako pagkatapos? O baka hindi? Magugulat ba sila at tatawanan ako? Magiging kamukha ko ba si Jackie Rice? Mananalo ba siyang ultimate survivor ng Starstruck batch 3? O magiging hawig ako ni Aleck Bovic? Ma-eevict na kaya siya sa bahay ni Kuya? (Text
Pero ngayon pa ba ako tatalikod at mawawalan ng balls
Pumasok na kami ng Blooming Parlor. Naks pangalan pa lang gaganda na ako. Si Nonoy (hindi niya tunay na pangalan) ang nag-aayos ng buhok ko simula ng pumasok ako ng Highschool. Nung debut ko, siya rin ang gumawa ng maskara ko para itago ang mala-godzilla kong mukha at mag anyong diyosa. Hehe. Pagkapasok, tinanong niya ako kung sigurado na raw ba akong gusto kong magpaiksi. Tumango naman ako. Agad niyang tinawag ang kanyang dakilang trainee na itago na lamang natin sa pangalang Michelle para gupitan ako. Habang naghihintay, humingi ang kapatid ko ng perang panlaro niya at pagkaabot na pagkaabot pa lang nung pera ay bigla siyang naging si Flash.
Gupitan taym na!! Kinakabahan pa rin ako kasi baka hindi maging bagay sa akin eh. Biglang humirit si Nonoy na gupit-Iwa pala. Tanggala naman oh! Iwa pa!?! Bakit hindi na lang si Vilma Santos, Nora Aunor o Sharon Cuneta? Nakakadepress… pero siyempre hindi na ako naghurumintado, ngumiti na lang ako at itinago ang nag-aalab na galit sa loob ko. Pagkatapos ng isa at kalahating oras
Marami naman ang natuwa at may ilan-ilang nanghihinayang sa aking buhok. Pero nakasasawa na rin ang buhok kong mahaba, at least ngayon iba na! Yun nga lang kung alam kong magiging ka-buhok ko si Juday, dapat pinag-isipan ko ng sampu pang taon.
3 comments:
boink! bwisita lang! hehe... kamusta ka naman ekai?
okay lang naman ako..hehe. salamat sa pagbisita!
hehe.shalamas.
Post a Comment