Tuesday, July 25, 2006

rehab mode

Ang hirap sigurong maging adik. Biruin mo, kapag dumating na sa puntong kailangan mong bitawan ang bisyo mo ang hirap nun. Mahirap talaga yun. Para kang pinutulan ng kamay o kaya’y tinggalan ng mata.

Naalala ko tuloy kahapon. Nakalulungkot yung nangyari. Hindi ko ito ginusto. Minsan may mga bagay na ang hirap intindihin, kasing hirap bitawan. Pero lahat ito kailangan dahil hindi na tama. Nakokonsensya ako. Hindi ko intensyong sirain ang maganda nating pinagsamahan. Akala ko kaya kong magpanggap na wala lang lahat. Pero iba yung sakit eh, tagusan hanggang laman. Ang hirap gumising araw–araw alam kong hindi mo man lamang ako minahal at kayang mahalin nang higit pa sa kaibigan. Ang hirap magbulag-bulagan.

Ako yung mali. Nag-assume ako. Umasa ako. At patuloy itong nangyari hanggang hindi ko na kaya yung sakit. Pasensya na nadamay pa pati pagkakaibigan natin.

Bakit kailangan nating balikan lahat ng nagdaan sa ating pagkakaibigan? Dahil gusto kong isipin mong inisip ko lahat ng ito bago ako nagdesisyong lumayo. Katulad ng sinabi ko sa iyo noon, isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Anong iniisip ko ngayon? Kumusta ka na kaya? Anong oras ka na kaya nakarating sa bahay? Traffic at baha ang mga kalsada ah. Kumain ka na kaya? Ano na kayang ginagawa mo? Galit ka kaya sa akin? Sana naiintindihan mo ako. Sana intindihin mo ako.

2 comments:

charmieness said...

Angel,

HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!

I love you! I miss you!

Muah Muah! =)

Ako si Erika said...

tenchu angel