Angel-Soul bonding!!
Depressing day? Watch a depressing movie.
Ang dami kong sablay lately. Sa buhay ko at sa halos lahat ng aspekto nito. Ang daming kailangan gawin at hindi ko na nga alam kung paano at saan ko sisimulan eh.
Sa sobrang daming kailangang gawin, tatlong araw pang hiniram sa akin itong laptop ko. Hindi ko naman matanggihan dahil sa minsan lang manghiram sa akin yung kuya ko. Nung Tuesday at Wednesday, ayos lang naman pero nung sabihin sa aking pati nung Thursday, pakers talaga. Sobrang sumama pakiramdam ko at nawalan ng ganang mabuhay.
Siyempre kahapon, major cram day talaga. Na-stressed at nadepressed din ako ng buong araw. Buti na lang major pahinga din ang ginawa ko nung gabi. Nagbonding kami ng soul ko.
Sa Sta. Lucia kami pumunta kasi balak naming manonood sana ng Troika. Kaya lang hindi na siya showing. Oh well. Kaya naman napagkasunduan na lang naming manood ng EPIC movie. Eh last full show na lang ang available kaya naman, naglibot libot na muna kami.
Nakakahiya kasi wala akong dalang pera. Tama lang panood ng sine. Kaya naman napilitang magwithdraw si soul para makakain kami. Nakakahiya talaga. Seryoso. As in. Kasi dapat ako yung nanlilibre sa kanya.
Pinilit ko siyang sa Mcdo na lang kami kumain para mas tipid. Ang nakakahiya pa, nabuhos ko yung softdrink ko. huhu. Eh di bumili siya ulit. Shucks talaga. Nakakahiya.
After naming kumain, ayun nanood na kami. Yung EPIC movie, depressing talaga. Haha. Nakakatawa talaga siya dahil depressing. Hindi original yung idea. Parang Scary movie. Spoof naman ito ng da vinci code, chronicles of narnia, Charlie and the chocolate factory, mtv cribs, click, pirates of the Caribbean at iba pa. Siyempre, exaggerated lahat.
After an hour, nakita ko yung soul ko. Tulog na. haha. Siyempre, ginising ko siya. Haha.
Kapag depressed ka, manood ka ng depressing movie?
Hindi rin. Kapag depressed ka, siguraduhin mong matatapos ang araw mong kasama ang taong nagpapasaya sa iyo. Salamat soul sa pagpawi ng lahat-lahat ng sama ng loob na idinulot ng araw na ito.
Nga pala, salamat din Johnlloyd sa masahe. Hehe.
No comments:
Post a Comment