Astig ang weekend na ito
Kung mapapansin, hindi creative yung title ng entry na ito. Panu ba naman, pinupuna ng mga tao dyan. Ahem. Ahem. John Lloyd. Grabe itong linggong ito. Sobrang emotional torture at instability ang naranasan ko. Pero it ends with a bang. haha. Labo talaga.
Unahin ko na yung karanasan kong kasama ang aking mga blockmates nung Saturday. Grabe, the best talaga sila. Niyaya kasi ako ni Don na maging bahagi ng kanilang psychology project. Eh di syempre payag naman ako kasi kasama rin yung iba ko pang blockmates. Nalaman ko na lang bago kami pumunta dun sa bahay kung saan gagawin yung inuman na puro mga lalaki pala ang kanyang groupmates. Meaning, only girl na naman ako. Oh well. Eh di ayun na nga. Sobrang na-enjoy ko talagang kasama sila. Si Chester may nalalaman pang hula-hula. Astig nga eh. Sana totoo yung hula nya sa amin ni *a****. Haha. Anladi. at sinabi pa niyang ang laki raw ng problema ko sa nararamdaman ko para sa isang lalaki kaysa problema nung lalaki sa nararamdam niya para sa akin. Kaya raw kami namomroblema ngayon. Hay… Tapos, naintriga ko sila. Feeling ko ang mga lalaki nag-uusap din talaga sa mga problema nila sa mga babae. Usually, nagkukulitan lang kami sa block kaya naman hindi ko gaanong alam ang kanilang mga buhay pag-ibig. Sa bahay na yun, hindi lang kami ng mga blockmates ko ang nandun. Andun din yung mga barkada nung may-ari ng bahay. Eh tinamaan na ako kaya sobrang antok na antok na ako. Kaya naman sinubukan kong matulog sa may rocking chair. Pagmulat ko, may dalawa ng guys na nakaupo malapit dun sa kinauupuan ko. Kaaliw nga kasi tinatanong talaga nila ako kung okay lang ako. Eh di yun na. Usap-usap. Miguel yung pangalan ng isa. Napansin ni Don yun. Siyempre, inaasar na niya ako. Kumusta naman yun. At sinubukan pa niya kaming kunan ng litrato. Buti na lang, nung latter part sumama na sa pag-uusap namin sina Omar at Konde. That time, busy sina Jeuz, Daniel, Melvin at Chester sa paglalaro ng poker. After nun, umuwi na kami at nakarating ako ng bahay ng 12am ng Sabado.
Pangalawa naman ay ang aking Gabay experience. Natulog ako ng masama ang loob dahil na rin sa mga nangyari nung buong linggo. Oo, enjoy talaga akong kasama ang aking mga blockmates pero tuwing naba-blangko ang isip ko, nararamdaman ko yung kirot. Hindi ito OA. Seryoso ito. Nagising ako ng 3:30am para maghanda sa pagpunta namin sa Tagaytay. Kasama ng kirot ng puso at malupit na hang-over, pumunta na ako sa Mcdo Katipunan. Ayun. Punta kaming tagaytay. Bago nun, dumaan kami sa bahay nila John Lloyd. Grabe, ang hot ng kapatid niyang pangalawa. Kaso sa picture ko lang nakita. Humirit pa nga akong, "lloydie, saan yung pangalawa mong kapatid?" Nandun pala yung mama niya na na-feel kong narinig yung sinabi ko. Nagtinginan nalang kami ni Tina. Hahaha. Anlandi talaga. Nalaman ko pang nakawala na si Coco. Hay… sayang naman, lloydie. Sa susunod na Christmas, tamagotchi ang ibibigay ko sa iyo. Tapos, pumunta na kami ng Tagaytay kung saan gaganapin yung Super Planning. Feel ko naman kasya kaming lahat dun. Ang sarap talaga dun. Kahit katirikan ng araw, malamig pa rin ang simoy ng hangin. Nakakawala ng lahat ng anxieties ko sa buhay. Isa pang na-realize ko habang nandoon, ang bitchy ko talaga at ang nega mag-isip. Shucks. Kailangan ko nang ayusin ang aspekto kong iyon kung hindi mas maraming tao ang maitutulak ko palayo sa akin. Ayaw ko naming mangyari yun.
Pangatlo, ang meeting with Alumni. Napagtanto ko talaga na ibang klaseng karunungan talaga ang naidudulot ng karanasan. Ang galing nila magsalita.