Wednesday, May 16, 2007

Windang

Una, pasensya sa mga Gabayano, Matanglawin Peeps, psych at is groupmates. Tatakas lang ako sandali.

Naalala ko sa section 1 artikulo 14 ng ating konstitusyon (tama ba yun? haha) nakasaad na ang lahat ng Pilipino ay may karapatang maglibang.

Pero sa estado ng buhay ko ngayon, hindi na ako nalilibang. Ngayon, pinanghahawakan ko na lang ang konsepto ng delayed gratification. Nakakawindang na talaga ang buhay ko. Sana magrewind na lang ang lahat ng bakasyon bago ako pumasok sa Ateneo. Yun na yung pinakahuling alaalang natatandaan kong hindi pa komplikado ang aking buhay. Yung tipong hindi ako namomroblema sa mga usapin tungkol sa pag-aaral, pera at pag-ibig. Yung tipong ang ginawa ko lang ay makipagchikahan sa mga kaibigan ko at mag-aral nang onti. Yung tipong ayos yung relasyon ko sa halos lahat ng malapit sa puso ko. Yung tipong tawa lang ako nang tawa at wala pa ko talagang konsepto ng sakit, pagdurusa at pagkabigo.

Oh well, kailangan ko na talagang haraping wala na ako sa aking comfort zone. Matagal ding umikot ang mundo ko sa sarili ko lang. AKO ay ganito. Kailangan KO ng ganito. Gusto KO si ganyan. Ako na lang ng ako. Honga, egocentric ako at ngayon lang siya lubusang tumatalab sa akin. Litong lito na ako.

Pasensya na sa mga taong nasaktan ko at lahat lahat.

Kakawindang talaga...

Akala ko ginagawa ko ang mga bagay-bagay para sa iba. Ang totoo naman ay para ma-satisfy ang aking ego. Hay...

Saklap. saklap.

No comments: