Kanina iritang irita ako dahil hirap na akong dalawin ng antok. Kaya naman naisip ko ulit magblog at isulat ang mga paraan na makakapagpaikli ng aking pasensya at makapagpapadilim sa aking paningin.
- Magmaganda ka sa harap ko. Yung tipong magsalita ka ng mga bagay na akala mo alam na alam mo na. Naiirita talaga ako sa mga taong ganun. Yung tipong napag-usapan lang nila sandali tapos andami-dami na niyang alam. As if. Hindi naman sa minamaliit ko ang mga taong ito sa kanilang nalalaman. Kasi itong mga taong ito, kung sabihin pa nila yung mga bagay-bagay, matter-of-factly. Yung tipong sorry-alam-ko-talaga-ito-kaya-makinig-ka-na-lang. Ang hangin kasi. Naalala ko na may isa akong kakilala na dakdak nang dakdak tungkol sa isang bagay na puro pasikat lang naman. Hindi na lang ako sumabat kasi baka mabara ko pa siya. Kahit papaano ay ayaw ko ang nagpapahiya.
- Mang-api, mambully at mang-OP ng mga tao. Naku!! Asar talaga ako sa mga taong gumagawa nito. Yung biglang magbubulungan sa harap mo tapos kapag naki-usyoso ka, sasabihing wala. Nakakairita di ba? Tapos, yung mga taong feeling sobrang sikat na hinahabol ng ibang mga nilalang para lang magpapansin sa kanya. Naku, ang sarap talaga nilang kalbuhin. Usually, kung hindi matalik na kaibigan ito nung nagmamaganda ay iisang tao lang sila.
- Ang ulit-ulitin ang sinabi ko. Actually, nakaka-flatter nga ang ma-quote. Yun ay kung sikat ka. Pero kung kaibigan mo, isa lang ang karaniwang intensyon nun eh—para gaguhin ka. At sa mga gumagawa nun sa akin, nakakagago talaga ito. May mga pagkakataong napipikon talaga ako.
- Ipagdiinang magbebente na ako. Promise, magdidilim ang aking paningin. Basta siguraduhing kapag ginawa mo ito, gusto mong burahin kita sa mundo ko. Kaya sa mga nagbabalak nang banasin ako, umayos kayo. (Pati pala sa magsasabing mataba ako. Amf. Gusto ko kasing ako yung nagpi-fish tapos sasabihin mong hindi naman. Haha. Pero seriously, kapag sinabi mo ito nang wala sa timing. (Yung tipong feel ko ang sexy-sexy ko. Naku, friendship over)
- Gayahin ang tunog sa The Grudge. Yung sa parang umiingit na pinto. Pocha talaga. Eto makakapatay na ako.
- Kulitin ako nang kulitin tungkol sa mga personal na isyu. Madaldal akong tao at madalas kong nailalaglag ang sarili ko sa mga impormasyong ganyan. Kaya naman, hintayin mo na lang iyon at huwag akong kulitin.
- Nagpapataas ng ego nila na ang kapalit ay yurakan ang aking pagkatao. Madalas itong nagagawa nung isa sa mga malapit sa akin lately. Nakakairita kasi feeling niya natutuwa ako sa kanya lagi.
- Tumugtog at kumanta nang the HALE way. Nothing against the band and their fans. I simply don't like them. Period.
- Magkuwento nang magkuwento nang magkuwento ng parehas na kuwento. In short, paulit-ulit na ikuwento ang isang kuwento.
- Ang kontrahin ako. Madalas akong mairita sa mga taong parang ipinanganak para maging kontrabida ko. Sarap din pala nitong kalbuhin.
- Magmake-face sa harap ko. Naku, sunugin ko ang tinataas mong kilay at ang nakaka-badtrip mong mukha eh. Yan yung naiisip ko sa mga taong mahilig sumimangot at mang-irap.
So there. Sa mga taong naiirita sa akin at gustong tumanda ako kaagad, gawin nyo ito. Kapag binabasa ko ang mga nakasulat, asar ako sa mga taong ito pero minsan naiisip kong ganito rin ako.. Basta inis ako.
No comments:
Post a Comment