Saturday, March 22, 2008

So Black this Saturday Was and Will Be

Before that:
hehehe. Ang cute lang talaga, magkagusto from a far. Yung tipong wala kang balak at wala rin siyang balak i-pursue ang inyong love story (duh! may asawa na siya at may boyfriend ako). Yung tipong ite-treasure mo yung bawat encounter mo sa kanya.
1. nagpatulong akong magnavigate nung program. Instead hawiin niya yung kamay ko sa mouse, pinatong na lang niya yung kamay niya tapos minove yung mouse. Di lang mouse ang namove, puso ko ay tumalon sa kilig. Pero nahiya naman ako kaya kusa ko nalang tinanggal yung kamay ko.
2. sinandalan niya for 3 seconds ang likod ko kasi magkatalikuran kami during "lunch" (madaling araw ito nangyari) eh.Nagkataong walang sandalan yung upuan. Kaya yun.
3. hinaplos niya ang buhok ko. isang stroke nga lang. Kasi nga kulot ako di ba? pagkapasok ko sa elevator, siya yung nasa likuran ko habang nakaharap ako sa pintuan. Eh biglang may humaplos sa buhok ko. Nakita ko pababa na yung kamay niya habang hinahawakan na rin ng Kathy. Oh well. Baka guni-guni ko lang ito.

So much for the fun part.

I started having this trauma: fear to have really really close friends. Siguro dahil na rin sa mga nangyayari lately. Takot kasi akong ma-left out ulit lalo na kung very exclusive ng friendship. I just noticed now, that I'm starting to distance away from my work cliques. Tamang pakikisama lang sa lahat.Ayoko rin kasing makulong sa kanila eh.

Baka mamaya, magsisimula na akong magmove out. Grabe, mahirap ito para sa akin. Pero I have to stay strong. This decision is not only good for me but what I think will be good for everyone. I cannot say that the friendship is as deep as before. But at least, trying to preserve what is still remained intact. Kumbaga, lessening the damage. I don't want to make things worse by acting everything's alright because it's not.

Got to go to sleep. Para paghandaan ang mga paparating na maemosyonal na araw.

Ngayon, ang Panginoon ay nahihimlay mula sa kama ng kamatayan. Ako naman ay mahihimlay sa aking kama. Sana pagmulat ko at sa pagkabuhay ni Kristo, mas handa na akong suungin ang mga pagsubok ng buhay. :D

No comments: