Sa pagtapos ng iyong kabataan,
salubungin nang boung ngiti ang hinaharap.
Walang pagkukubli sa likod ng maskara
o pagtutulug-tulugan,
yakapin mo't danasin ang kagandahan ng buhay.
Pumailanglang ka't lumipad sa abot-tanaw ng iyong mga pangarap.
Darating man ang mga pagkakataong mararamdaman mo ang kabiguan,
mananatili kang matatag at patutuloy na iibig.
Maligayang kaarawan, Madz!!!
No comments:
Post a Comment