Sunday, November 09, 2008

Mapalad ako at naging kaibigan ko kayo

Ngayon ko lang napagtanto na napakapalad ko para magkaroon ng mga totoong kaibigan.
Sa dami na ng mga sakitang nangyari at tampuhan, nanatili silang tunay na kaibigan.

Sa mga nakaraang buwan, marami akong nakilalang mga tao galing sa iba't ibang uri ng pamumuhay. Ang daming pagmumulat na nangyari. Hindi lamang ako nasawsaw, nalublob pa ako sa maraming karanasan. May panahong gusto kong pagsisihan at baguhin ang mga desisyong nagawa ko. Pero wala nang panahon para ikasya pa para pagsisihan ang mga nasayang na oras.

Sa kabila noon, gusto kong ibahagi ang mga natutunan ko:

Una hindi lahat ng nakilala mo at pinagkatiwalaan ay totoo. Gaano man kalinis at kapuro ang intensyon mo sa kanila, aahasin at yuyurakan ka nila. Sa mga taong gaya nila, kailangan mong mag-ingat nang sobra. Pero, what doesn't kill you will make you strong. Sila rin ang magpapatatag sa iyo.

Pangalawa may mga taong makasarili talaga. Likas na sa kanila yun. Gaya ng sabi nga ni Bob Ong, gamitin ang puso para ingatan ang iba. Gamitin ang isip para ingatan ang sarili. Tama siya. Kailangan mong maging makasarili sa harap ng mga taong likas na makasarili. Tingin ko, walang masama doon. Ginamit mo lang ang isip mo.

Pangatlo hindi mawawala sa mundo ang mga taong tunay na nagmamahal at may pakialam sa iyo. Mapalad ako kasi marami akong mga kaibigang ganito. Tunay silang kaibigan hindi dahil sa kinokonsinte nila ang aking mga kakitiran. Hindi rin dahil itinutulak nila ako sa mga masasamang gawain. Tunay ko silang kaibigan kasi lagi nila akong ibinabalik sa katotohan. Itinatayo kapag nadapa at binabatukan kapag nasoshonga. At sa pagkakataong ito nais ko silang pasalamatan.

Sa aking pamilya. Alam ko masasaktan at masasaktan ko pa kayo pero alam kong hindi nyo ako pababayaan ano pa man ang mangyari.

Sa mga barkada kong sina Villegas, Jenna, Madz at Marian, salamat nang marami talaga sa suporta at pagpapasaya sa akin.

Sa mga katrabaho ko lalo na kay Manjo. The best ka talaga kahit naniniwala akong mas maganda ako sa iyo. hahaha.

Sa mga ka-Mata at ka-Gabay ko. Kay Kuya Jed na grabe mangulit ng mga impormasyon tungkol sa aking buhay-buhay.

Sa aking mga blockmates na sina Chester, Melvin, Omar at David na patuloy na pinararamdam sa akin na ako'y mahalaga para sa CoE. Makakasama nyo rin ako soon.

Sa aking nakaraang si Yog na alam kong nasaktan ko nang sobra sobra pero nanatiling matapat at tunay na kaibigan.

At sa Dakilang Lumikha.

Salamat! Sa mga bagyong parating, handa na ako kasi nasa likod ko kayo.

I'm back to my senses.





No comments: