Sunday, February 15, 2009

Miss Na Kita

Sa mga panahong sobrang dami-daming ginagawa, na ang tanging pahinga ay ang pag-unat unat, gusto kong tumigil muna. Yakapin ka at bigyan ng isang matamis na halik.

Kahapon, Valentine's Day. Nagkatampuhan tayo at namugto mata ko. Pero hindi naman natapos ang araw nang hindi tayo nagkakaayos.

Kanina, sabi mo miss mo ako. Hindi ko na nasabing miss na rin kita kasi busy ako..

Sana matapos na lahat-lahat ng ito para sa iyong sa iyo na ulit ang atensyon ko.

Seryoso, nangungulila na talaga ako sa iyo.

No comments: