Saturday, January 28, 2006

Thinking-about-love day

Ngayon, napanood ko ang Little Manhattan. Waah. Nakagugulo siya ng isip. Sobra. Nakakapagpabagabag ng loob. Sabihin mo nga nang mabilis. Hehe. Ang hirap talagang mag-isip ng tungkol sa pag-ibig. Mas masarap itong maramdaman. Siyempre, wala muna yung sakit mula roon.
Dahil sa nanood ako ng isang love story, tungkol na lang sa pag-ibig ang susulat ko ngayon. Yung mga confusions ko sa buhay. Haha. Kung ayaw mong ma-depress, tigil mo na ang pagbabasa:
1. So much for number one! Nabasa na naman ito ng gusto kong makabasa eh..
2. Yung sa akin, depressing masyado. Pero ayos lang di pa naman sapat para magpakamatay ako. Haha. Asa!! Papakamatay ako dahil sa lalaki?! Asa talaga!! Nung napanood ko yung movie, feel ko ang talunan ko talaga! Ang hirap talagang iguhit ng linya sa pagitan ng katangahan at tunay na pag-ibig, sa totoo at nagpapanggap. Badtrip.

3. Alam mo ang badtrip sa mga lalaki, gusto nila lagi sure shot. Ayaw nila ng risks!! Kung hindi sila gusto, huwag na lang din. Aminin niyo na!! Ganun naman lagi eh. Nakikipagbasahan kayo ng isip. Hindi ko naman sinasabing mali iyon eh, bad trip lang talaga sa parte naming mga babae.

Tama na nga, nakadedepress lang eh. Dami ko pang gagawin…

Day Spoilers:
Sobrang init talaga. Badtrip. Seeing him. Kakaibang lasa ng gulaman.
Day Makers:
movie with my John Lloyd and Mel. Seminar with Manix Abrera. Seeing him. Area tutoring. Stay fresh. Tomorrow.

“Huwag mo na sana akong pahirapan pa. kung ayaw mo sa akin ay sabihin mo lang… ”

2 comments:

randy said...

yess! ang galing... ni jpaul! joke lang. :D

Ako si Erika said...

magaling din ako kaso mas magaling sya.haha