Tuesday, May 30, 2006

Gupitan na...

Pagkatapos ng dalawampu't apat na oras na walang tulog at isang oras na idlip, sumilip ako sa bintana. Kumusta naman yun.Ang agang mabuhay ng mga tao sa Libertad. Sabay tanong sa sarili, anong ginagawa ko sa kuwartong iyon? Bago ko pa mahanap ang kasagutan sa aking tanong. Isang kakaibang init ang aking naramdaman. Isang init na tumatagos sa aking pagkatao. Kumikiliti sa aking kaluluwa at nagpapanginig sa aking kalamnan. unti-unting tumindi ang init. damang dama na ng aking pantog ang kakaibang sensayon. Libog ba ito?

*isang pagbabalik-tanaw:
ako habang masayan at aliw na aliw na kinakagat-kagat ang Mongol kong lapis
kaibigan: libog lang yan (sabay himas sa balikat)
ako: huh?(sa pinaka-inosenteng tonong iyong maiisip)


Malibog ba ako?tumitindi ang init na nararamdaman...

*isa ulit pagbabalik-tanaw:
ako(ilang araw palang ang nakalilipas): nanay, ano po ang libog?
nanay: Ang libog anak ay isang matinding nararamdaman sa bandang alam mo yun. Kapag biglang pumapasok si tatay mo sa banyo at hawak ang kanyang...
ako: alin po?
mama: kumukulo na sinaing, anak.


Libog ba itong nararamdaman ko?sumasakit na ang pantog ko. Ayaw kong makita nila akong nagkakaganito. Alam kong ikahihiya nila ako. Ano na lamang ang sasabihin ng nanay ko, ng mga kapitbahay namin, ng mga taga-Libertad! Scandal ito. Shet. Pero di ko na mapipigilan. Bigla akong tumakbo papunta sa banyo.Sa una, marahan lang. ayaw kong biglain. Unti-unting bumibilis. hinihingal na ako. Di ko na ito napigil. Ayan na.. Ayan na...

*dahan-dahan kong naririnig si Tito, Vic at Joey na umaawit:
"isang libo* isang tuwa, EAT BULAGA."

Ayan na tuloy. sumabog na. unti-unting nabasa ang aking pantalon at ang sahig. Sabay sigaw, "kasi si Kuya ang tagal jumebs.Katok na ako nang katok sa banyo eh, tuloy naihi na ako.Huhu" At least nakaraos, mapanghi nga lang. Akala ko yun na yung libog, wiwi lang pala.

Inaamin kong libog na libog na akong simulang ibahagi ang mga nalikom kong hibla ng mga karanasan at naipundar na pambabarbera. Simulan na ang gupitan

7 comments:

banani said...

ayos. pagupit naman.

JPaul said...

libog lang iyan. pero aking ikanatutuwa ang iyong ideya ng blog. isa itong pagpapalabo ng linya sa pagitan ng katotohanan at kathang isip; Alin ang katotohanan at alin ang purong kabarberuhan. Magaling. :)

Bob said...

sabi nga ni ricky reyes:

wow. ang ganda.

Ako si Erika said...

marian, para sa'yo libre lang. hahaha.

bob, parang nagpa-salon? eh paano yun, barberya to.

teh, sayang naman. sige dalaw ka lang

jep, salamat!!

randy said...

sali naman ako sa ribbon-cutting ceromonies oh.

ay, tapos na ba?

John Paul Manahan said...

hi ekai! may magugupit ka pa sa buhok ko? hehehe....

Ako si Erika said...

jhunee, sa parlor nalang.barberya 'to.hehe

k.paul, musta naman yun.