Tuesday, June 27, 2006

Pilosopiya: hard core

Ngayon ko lang napagtantong kapagod sa bangs mag-isip lalo na kapag sinubukan mong sagutin lahat ng mga tanong na gumugulo sa isip mo. Minsan naiisip kong hindi kaya pinahihirapan ko lang ang sarili kong gawing komplikado ang aking buhay. Shet. Kakadugo.
Kung tama nga ang mga napagnilayan ko ang ganap na pagtuto ay ang pagdanas. Sige, nandyan nga ang mga salita para maging instrumento ng iyong pagtuto pero “kapag nasabi na ang lahat ng masasabi, ang mahalaga ay hindi pa rin masasabi. Kailangan, danasin mo.”
Ibig ba nitong sabihin, lahat ng pagsusubo ng mga impormasyon simula nang ako ay nasa nursery pa ay may bahid ng karanasan ng aking mga guro at ang mga natutunan naman nila ay base sa karanasan at pagkaintindi ng kanilang mga naging guro? Kung tutuusin, hindi rin ako naging ganoon kalaya sa aking pag-aaral. Ikinalungkot ko ba yun? Tingin ko, hindi naman kasi may masnagpalungkot sa akin. Ito ay ang pagbaba ng tingin ko sa aking sariling paraan ng pag-iisip.
Tuwing nagkakaroon ng mga pagmumuni sa pagitan naming magkakaibigan at mga katrabo, isa ako sa mga, kung hindi man ako lang ang, “devil’s advocate” o di kaya ay deviant. Tingin ko ang astig nun kasi hindi pangkaraniwan ang mga rason at pananaw ko sa buhay at sabi rin iyon ng aking mga kaibigan. Pero shonga shonga pala ang mga taong tulad ko na naniniwalang magaling na0ng mag-isip. Marami pa akong hindi alam sa mundo. Marami pa akong tanong na hindi nasasagot. At t approaches infinity, where t is equal to wisdom pa ang kailangan kong makamtan para masabi ko ng buong lakas ang aking claim na magaling ako.
Nakakahiya nga kasi nastress na lahat ng ugat ko sa utak eh ni hibla ng buhok ng nagturo sa akin ng mga konseptong ito ay hindi nawarm up. Di ko pa kasi siguro nadaranasan. Hala, kailangan kong madevirginize sa maraming aspekto ng aking pagkatao. Di kaya masakit yun?
Makainom na nga muna ng pain killer para sa sumasakit kong bangs. Gaano kasakit ang masakit na bangs? Kung sasabihin ko bang sagad sa bone marrow ang sakit o parang haplos lang ng itim na langgam, maniniwala ka ba? Di bale, tinatamad akong ilarawan kaya, danasin mo na lang.

Sunday, June 25, 2006

Mahal, bakit ka ganyan?

So I cry and pray for you to,
Love me love me say that you love me
Fool me fool me go on and fool me
Love me love me pretend that you love me
Leave me leave me just say that you need me

-Lovefool, Cardigans

(’-’): Kumusta ka naman?
(‘-‘): Eto, okay lang…
(’-’): Masaya ka ba?
(‘-‘): Siguro naman…
(’-’): Mahal mo ba siya?
(‘-‘): …
Hay. Mahal. Ano ba talaga ang ibig sabihin mo? Mahal. Nakasasakit ka sa bangs. Mahal. Nakasasakit ka sa bulsa. Mahal. Nakasasakit ka sa puso. Mahal. Lagi ka na lamang bang nakasasakit. Mahal.
Taj.
Mahal.
Ni Jimboy.
Mahal. Tawag mo sa kanya.
Mahal. Tawag niya sa iba.
Mahal.
Ay! Di pa pala.
Mahal.
Ay! Di na pala.
Mahal…
Aga?
Mahal ko nga ba siya?

(‘-‘): Aba, ewan.
(’-’): O sige, sa susunod na lang…

Monday, June 12, 2006

Pagbabaliktanaw...

eto dapat yung ipopost ko sa pagbubukas ng blog ko, na dapat ay nung marso pa...

March 8: Long hair, no more!

Gagong este bagong gupit ako. Ang sarap ng feeling parang nasa ulap. Parang hindi panis ang aking lovelife. Parang nakahithit ka ng juts. Haha. Joke.

Nadevirginze ang buhok ko sa bago nitong style. Biruin mo, simula ng magkaisip ako eh hindi ko pa naranasan ang sobrang ikli ng buhok. Kaya para akong nanalo sa lotto nang sa wakas ay pumayag ang aking Mama na paputulan na ang buhok kong pinagastusan ko na rin ng libu-libo (simula ng ako’y pinanganak) para lamang manatili itong ‘ang ganda, ang soft at parang pina-salon.’

Mga sampung taon ko nang pinag-isipan ang pagpapagupit sa aking mahabang buhok. At pakiramdam ko, dumating na ang takdang araw para magpaalam sa kanya. Hinaplus-haplos ko siya habang sinasabi sa aking sariling kailangan na nating maghiwalay. Naalala ko pa ang mga magaganda at makukulay naming karanasan…Ang mga araw kung saan masaya ko siyang sinusuklay, ang mga araw na badtrip siya at wala akong magawa kung hindi makiramay sa kanyang ‘bad hair day’, at ang mga nalalabing araw bago kami maghiwalay. Naka-move on naman ako agad (after one second)…

Pagkarating ko ng alas-otso y medya ng gabi sa bahay, niyaya ko agad ang aking nanay na magpagupit, sabi niya ay ayaw niya at itinuro ang tita kong nagbabalak na ring magpagupit. Siyempre pinuntahan ko siya para tanungin kung gusto niyang magpagupit. Nung una, nagpapalibre sa akin. Pumayag na ako para lang may kasama na ako at matapos na diskusyon. Eh biglang kumambyo! Sabi niya hindi pa raw niya alam ang style na gagawin sa kanyang buhok. Binalingan ko naman si Doodz, ang nakababata kong kapatid para samahan ako. Malamang, humindi siya kasi allergic siya sa mga bading. Kapag binabati (as in greet ha?) ng mga ka-federasiyon eh gusto niyang maging si Incredible Hulk at durugin ang kanilang mga mukha. Hay nawawalan na ako ng pag-asa. Nung mga oras na iyon ay unti-unti nang gumuguho ang mundo ko.

Last option, ang bunso kong kapatid na si Babes (na nung mga oras an iyon ay abalang-abala sa paglalaro). Hinatak ko siya para samahan ako at pumayag siya. [ako:Yessss.] Pero sa isang kondisyon, [ako: sabi ko na nga ba eh…] papayagan ko siyang mag-DOTa o kaya ay maglaro ng FS. Haay…nasa kagipitan na ako kaya pumayag na rin ako. Habang naglalakad kami, nakulili ang tenga ko sa walang hanggan niyang pagkuwento kung gaano siya kagaling nang ginamit niya si Bone clinx at nag-God-like siya laban sa mga newbs sa lugar namin. [ako sa isip-sip: malapit na, tiis-tiis lang]

Ilang hakbang malapit sa parlor, naramdaman ko ang pagtalon ng aking puso sa kaba. Biglang may limang libo pitong daan animnapu’t siyam at talong kapat na tanong nagsulputan sa isip ko. Babagay kaya sa akin? Magugustuhan kaya ni ya? Magsisisi ba ako pagkatapos? O baka hindi? Magugulat ba sila at tatawanan ako? Magiging kamukha ko ba si Jackie Rice? Mananalo ba siyang ultimate survivor ng Starstruck batch 3? O magiging hawig ako ni Aleck Bovic? Ma-eevict na kaya siya sa bahay ni Kuya? (Text to 263 kung ayaw mo pa.) O kaya naman ay kabuhok ko si Pres. GMA noh? Mananalo kaya ang oposisyon laban sa ligalidad ng Proclamation 1017? At marami pang iba. As questions approaches positive infinity.

Pero ngayon pa ba ako tatalikod at mawawalan ng balls. Narito na ako. Nagsayang na ako ng maraming mechanical energy sa paglalakad. Sige, game na.

Pumasok na kami ng Blooming Parlor. Naks pangalan pa lang gaganda na ako. Si Nonoy (hindi niya tunay na pangalan) ang nag-aayos ng buhok ko simula ng pumasok ako ng Highschool. Nung debut ko, siya rin ang gumawa ng maskara ko para itago ang mala-godzilla kong mukha at mag anyong diyosa. Hehe. Pagkapasok, tinanong niya ako kung sigurado na raw ba akong gusto kong magpaiksi. Tumango naman ako. Agad niyang tinawag ang kanyang dakilang trainee na itago na lamang natin sa pangalang Michelle para gupitan ako. Habang naghihintay, humingi ang kapatid ko ng perang panlaro niya at pagkaabot na pagkaabot pa lang nung pera ay bigla siyang naging si Flash.

Gupitan taym na!! Kinakabahan pa rin ako kasi baka hindi maging bagay sa akin eh. Biglang humirit si Nonoy na gupit-Iwa pala. Tanggala naman oh! Iwa pa!?! Bakit hindi na lang si Vilma Santos, Nora Aunor o Sharon Cuneta? Nakakadepress… pero siyempre hindi na ako naghurumintado, ngumiti na lang ako at itinago ang nag-aalab na galit sa loob ko. Pagkatapos ng isa at kalahating oras ay natapos na ang pagupit sa akin. Mukhang sumali sa 10k marathon si Michelle pagkatapos nya akong gupitan. Ang aking kinalabasan, si Judy Ann Santos! Hehe. Isang sikat na sikat at nirerespetong boksingero este artista pala. Kahit sobrang sama ng loob ko dahil hindi ko naging ka-buhok si Nora, at least award-winning actress din si Juday. Reaksyon ng federasyon, kamukha ko na raw si Iwa. Iwa Muta. Hay.

Marami naman ang natuwa at may ilan-ilang nanghihinayang sa aking buhok. Pero nakasasawa na rin ang buhok kong mahaba, at least ngayon iba na! Yun nga lang kung alam kong magiging ka-buhok ko si Juday, dapat pinag-isipan ko ng sampu pang taon.

Thursday, June 08, 2006

Tumahimik at Manalangin

Inaanyayahan ko ang buong puwersa ng Power Rangers, Ninja Turtles at Sexbomb dancers na manalangin para sa ikaliligaya ng nagdiriwang ngayon ng kaarawan na si Tehani—isa sa mga natitirang dyosang tulad ko na ang tanging silbi rito sa mundo ay pagandahin ang lahi ng sangkatauhan.

Isang tagay para sa’yo, Teh! Maligayang bati!

Monday, June 05, 2006

Nagkaalaman na...

To the tune of “Panday”:

Ipaglalaba ko ikaw ng damit
Ipagluluto at ipagsasaing
Pagkat ang isang taong mabaho
Kulang sa paligo
Lahat ay gagawin…
Maligo kang muli


Kinakabahan ako. Di ko na gusto ang tinutungo ng usapang ito. Shet. 12:30am na ng ika-5 ng Hunyo. Aamin na ba ako? Sasabihin ko na bang ikaw yun?
Ikaw yung tinutukoy kong sabay na nagpapahirap at nagpapagaan sa aking loob. Ikaw ang ikinamula ng pisngi ko nang sorpresahin mo akong dalawin. Ikaw ang pinagmulan ng lalo kong lumaking eyebags kasabay ng paglaki ng aking pag-asang manumbalik ang sigla ng matamlay ko nang puso. Sampung minuto na ang nakalipas nang mabuo ko na ang mensahe. Puwede nang pindutin ang buton. Pero ano sa dalawa-erase o send?
Pinindot ko ang pangalawa, lumipad na ang mensahe papunta sa iyo. 12:52am na. nanlalamig ang kamay ko. Medyo malakas ang aircon pero ang pagtibok ng puso ko, hindi ko makontrol. Hindi talaga. Shet.
Simula sa minutong ito alam kong nagbago na ang lahat. Nabahiran na ng malisya ang malalim nang samahan. Pero di ko naman sigurado kong naapektuhan ka nga sa mga sinabi ko o sadyang di ka pa rin naniniwala sa mga sinabi ko…hanggang ngayon, inaakalang lahat ng ito ay pambabarbera lang talaga.
Touch move. Di na puwedeng ibalik ng ginawa kong tira. Wrong move ba o sakto lang? hindi ko alam, hinihintay ko na lang na sumigaw ang kapalaran ng “checkmate, tapos na ang laban.”