Monday, June 05, 2006

Nagkaalaman na...

To the tune of “Panday”:

Ipaglalaba ko ikaw ng damit
Ipagluluto at ipagsasaing
Pagkat ang isang taong mabaho
Kulang sa paligo
Lahat ay gagawin…
Maligo kang muli


Kinakabahan ako. Di ko na gusto ang tinutungo ng usapang ito. Shet. 12:30am na ng ika-5 ng Hunyo. Aamin na ba ako? Sasabihin ko na bang ikaw yun?
Ikaw yung tinutukoy kong sabay na nagpapahirap at nagpapagaan sa aking loob. Ikaw ang ikinamula ng pisngi ko nang sorpresahin mo akong dalawin. Ikaw ang pinagmulan ng lalo kong lumaking eyebags kasabay ng paglaki ng aking pag-asang manumbalik ang sigla ng matamlay ko nang puso. Sampung minuto na ang nakalipas nang mabuo ko na ang mensahe. Puwede nang pindutin ang buton. Pero ano sa dalawa-erase o send?
Pinindot ko ang pangalawa, lumipad na ang mensahe papunta sa iyo. 12:52am na. nanlalamig ang kamay ko. Medyo malakas ang aircon pero ang pagtibok ng puso ko, hindi ko makontrol. Hindi talaga. Shet.
Simula sa minutong ito alam kong nagbago na ang lahat. Nabahiran na ng malisya ang malalim nang samahan. Pero di ko naman sigurado kong naapektuhan ka nga sa mga sinabi ko o sadyang di ka pa rin naniniwala sa mga sinabi ko…hanggang ngayon, inaakalang lahat ng ito ay pambabarbera lang talaga.
Touch move. Di na puwedeng ibalik ng ginawa kong tira. Wrong move ba o sakto lang? hindi ko alam, hinihintay ko na lang na sumigaw ang kapalaran ng “checkmate, tapos na ang laban.”

1 comment:

Ako si Erika said...

wow enzo!okay lang.