Sunday, July 09, 2006

Estudyante, Senior citizen at Disable: P 6.50

Ano kaya ang pakiramdam ng hindi makapagsalita, di makakita o di kaya ay hindi makarinig? Nakakabato siguro yun noh. Pero isipin mo, may mga advantages ang mga kakulangang ito.

Siyempre kung ikaw ay bingi, hindi ka maiingayan sa kapitbahay mong mga lasing na nagbi-videokeo. Hindi ka rin maiirita sa asawa mong parang armalite kung pumutak. Hindi mo iintindihin ang mga lolang hardcore kung magpasyon kapag mahal na araw at sa mga nanay ding walang ginawa kung hindi magtsismisan.

Kung ikaw naman ay pipi, hindi ka mapipili ng teacher mong magrecite ng Panatang Makabayan sa Flag ceremony kasi maiintindihan niya na mahirap magsignlanguage habang nakataas ang kanang kamay mo. Di ka rin mapalalabas ng iyong guro kapag maingay ang buong klase. Puwede kang magbackstab nang literal kasi hindi ka naman maririnig eh.

Sa mga madidilim naman ang mundo, maliwanag naman ang inyong konsensya kapag may nakitang porn video sa inyong koleksyon ng mga cds. Puwede kayong “magbasa” umaga hanggang gabi sa kahit anong posisyon. Di kayo magkakakuliti kasi hindi naman kayo puwedeng manilip. Di rin kayo puwedeng pagbintangan ng pagtingin sa papel ng iyong katabi tuwing exam. Puwede ka ring matulog habang nagkaklase kasi hindi naman nila malalaman yun eh.

Sa lahat ng taong may pandinig, paningin at pananalita, malas niyo kung nabuhay kayo sa paniniwalang sobrang suwerete nyo kumpara sa kanila.

*****
Kanina lang natapos ang gawain namin sa Gabay. Masaya talaga. Masaya ako sa maraming bagay at maraming tao at maraming dahilan at marami pang iba.

*****
Hell week ko na. Magpakababad sa apoy ng kapaguran at maraming stress. Shet.

*****
complicated?ang alin?sino? di ko alam kung bakit ba naman ganito ako?bakit ako nagkakaganito sa'yo? Sana mabitiwan ko na lahat ng pilit kong inaangkin.

*****
malapit na bertdey ko. Sana matupad naman ang tanging hiling ko--isang sulyap mula sa iyo...

5 comments:

Anonymous said...

sulyap mula kanino?

leiannlei said...

haha! ate ekai talaga. oo nga ano, malapit na ang iyong kaarawan. nawa'y maging masaya ka, ngaun pa lamang. di ko pa kilala kung sino ang kaluluwa ko. =(

Anonymous said...

sulyap, mula kay darna.

Ako si Erika said...

darna? ha de...
eh bulag yung tinutukoy ko...kaya suntok sa Sun ang gusto kong mangyari. kasing imposible ng pagsulyap sa akin ni darna.nakapapaso pa...

Bob said...

napaisip ako sa post mo ha. kumusta naman yun.