Tuesday, July 04, 2006

Sige na, ulitin natin

Gusto kong lasapin muli ang iyong mga labi.
Higupin ang lahat ng iyong katas.

Gusto kitang angkinin muli.
Gaya ng kahayukan kong akinin mo ang aking mundo.

At hindi kita basta-basta titigilan hangga’t hindi ko nasisimot
lahat ng kaya mong ihandog sa natigang kong laman

Muli, tatakbo tayo sa sarili nating paraiso.
At lilimutin ang buong paligid tulad ng paglimot natin noon.
O masmatindi pa—masmalalim, masmatagal…

Pero
Limot na ng panahon ang mga nangyari
At hindi ko na talaga ito matandaan.

Hindi ko na lubos na maalala
ang pagniniig ng ating espiritu’t katawan.
ang paglalapat ng ating mga labi
ang pang-aangkin mo sa akin
ang pang-aangkin ko sa iyo
ang ating pag-iisa

Kaya sana ay ulitin natin
Ipalasap mo ulit sa akin ang nag-aalab mong kaluluwa
Ipaalala mo ang lahat ng paglimot na ating ginawa
Paikutin mo ako muli sa iyo

Nananabik akong tikman ka muli sa ating paghaharap.
Alam kong malapit na iyon.
Malapit na.


Nagmamahal,
Alakera on leave


hay...tagal ko nang hindi umiinom simula nang nadengoy ako. kakamiss.

2 comments:

charmieness said...

angel! lika, sasamahan kita. haha.

can i just say na ang saya ngayong sem dahil palagi kita nakakasama??

awww. matouch ka! haha.

Ako si Erika said...

awww..ako din gustong uminom kasama ka at masaya ako dahil tadhana na ang gumawa ng paraan para makapagbonding tayo nang mas madalas