Today is Valentine's Day.
Kapag tinatanong ako kung bakit ako nakapula, bukod sa sagot kong 'bakit hindi?!", lagi kong sinasabing ang pula ay kulay ng rebolusyon. Kulay ito ng pagtutol. ng pagtuligsa. Masaya nga kung ganun nga talaga ang dahilan ng pagpupula ko kaso hindi. Kaya sa mga binarbera ko kanina, pasensya na ayaw ko lang amining masaya ako dahil araw ng mga puso ngayon.
Sa isang bansang umiikot sa mga kamay ng kapitalista, napaka-romantiko ng Valentine's day. Nagkakaroon ng dahilan ang mga taong bumili ng sandamakmak na bulaklak, tone-toneladang tsokolate at kung ano pang ka-chorvahan.
Sa loob pa lang ng admu, para ka nang nasa dangwa eh. May roses+harana promo ang ACMG na tinabihan ng tindang bulaklak din ng ASSOC. Paglakad mo ng ilang metro, nariyan ang CELADON na pinuno ang Dog house ng mga rosas (ulit). At syempre, hindi magkandaugaga ang mga atenista kung ano at saan sila bibili. Para saan ba ang ginagawa ng mga organisasyong ito? Walang kamatayan ang sagot, for a good cause. (Ganun din naman ang dahilan kung bakit parang Divisoria na ang Sec Field. Hindi na natapos ang pagpapa-Food Sale o pagpapa-Tiangge ng sari-saring organisasyon.)
Araw ng puso. ng mga kapitalista.
Oh well, nasiyahan naman talaga ako nang nakatanggap ako ng bulaklak mula sa mga kaibigan ko. hehe. Salamat.
Gusto ko lang ipunto na...
Valentine's day ngayon!
Magulo ang isip ko ngayon kasi hindi naman araw ng mga isip eh. haha. kaya pagpasensyahan niyo na.
No comments:
Post a Comment