Tuesday, February 13, 2007

Para sa akin, Para sa kanya

Para sa kanya, Para sa akin


Kung ika’y magiging akin
Di ka na muling luluha pa
Pangakong di ka lolokohin
Ng puso kong nagmamahal

Totoo yun. Gagawin ko ang lahat para lang hindi kita masaktan. Kaya kong maghintay nang matagal para sa iyo. Sa ngayon, hindi ko alam kung kaya ko bang mawala ka sa akin. Madalas gusto ko nang sumuko pero kapag naaalala kita, nanatili akong matatag. Ikaw ang pinagkukunan ko ng inspirasyon, ng lakas.

Kung ako ay papalarin
Na ako’y iyong mahal na rin
Pangakong ikaw lang ang iibigin
Magpakailanman
Ikaw lang. Pangako. Ngayon ngang hindi tayo, ikaw lang eh. Paano pa kaya kung magiging tayo. Nung nakilala kita, alam kong magiging espesyal ka sa akin. Hindi ko inasahang magiging ganito kaespesyal.

[chorus]
Di kita pipilitin
Sundin mo pang iyong damdamin
Hayaan nalang tumibok ang puso mo
Para sa akin
Hindi kita pinipilit na mahalin ako. Kahit ano, basta gusto kita. Kung bakit hindi ko masabi sa iyo nang personal kasi ayaw kong maapektuhan ang kung anumang nararamdaman mo para sa akin (pagkamuhi man yan o pagkagusto) ng nararamdaman ko sa iyo.

Kung ako ay mamalasin
At mayroon ka nang ibang mahal
Ngunit patuloy ang aking pagibig
Magpakailanman

estado ng puso ko: umaasa.

No comments: