Ano kayang mararamdaman ni Rapunzel kung pagkaladlad niya ng kanyang buhok ay tumakbo palayo ang kanyang prince charming? Mag-iiiyak kaya si Cinderella kung nagkasya sa ibang babae ang sapatos na naiwan niya nung gabing nakasama niya ang prinsipe? Matutuloy kaya sa bangungot ang mahimbing at mahabang tulog ni Sleeping Beauty kung walang dumating na makisig na prinsipe para halikan siya?
Kung anuman ang sagot sa mga tanong na iyon, marahil, ganun ang nararamdaman ko ngayon. Sabi ko ngang hindi ako humihiling ng kahit na anong kapalit mula sa kanya. Ayos na sa akin yung makasama ko siya. Masaya na ako dun.
Pero, masama bang mangarap akong maramdaman ko namang iligtas niya ako? Yung maramdaman ko namang mahalaga rin ako sa kanya? Masakit. Kasi ang pakiramdam ko, hindi ako mahalaga sa kanya. Alam ko. Walang kuwenta yung ginawa kong sukatan para masabi iyon pero kung nangyari man yung iniisip kong sana mangyari, siguro daig ko pa sa haba ng buhok si Rapunzel at sa ganda si Cinderella at Sleeping beauty.
Oh well. Wala naman akong magagawa eh. Ganun talaga. Hanggang asa lang ako. Hanggang asam na lang at dapat hindi ako mag-expect ng kahit ano mula sa kanya.
No comments:
Post a Comment