Tuesday, April 24, 2007

Ang pagbabago ng larawan

Ako yan!!
Oo na!hindi na kasing sexy at seductive ng una kong larawan. Pero mas totoo naman ito. Haha. Kuha iyan ng aming Nangangasiwang Patnugot na si Hub Pacheco. (Naks! special mention ka pa, My Hunk. Salamat!) Ito ay nung linggo pagkatapos ng Mahal na Araw sa aming Matanglawin EvSem. Aw... Nakakamiss yung mga araw na iyon. Naalala ko pa ang long walk namin ni Hermund sa tabi ng dagat mula alas-tres hanggang alas-singko ata iyon ng umaga. Ang bonfire, basketball, gamu-gamo invasion, blindfold turn-over at marami pang iba. Naalala ko pa yung tinuro sa akin ni charm, "A good smoker can kiss, lick, suck, blow without letting the smoke out." winner yun. Astig. Astig. Ang I'd never had jaywalked ni Ate Renette. Na hindi pumapalyang pangitiin at patawani ako tuwing aking naaalala. Ang pagkatulog ni Leontine sa banyo. Ang pag-aaminan ng mga nagkakagustuhan. Ang pagbubuking sa akin ni Karla sa aking maliit na itinatago nang sabay kaming maligo. At maraming marami pang iba. Shucks.
Mahal ko na talaga ang Matanglawin. Nakaaaliw. kasi sa Mata, malaya kong naipahahayag ang aking mga saloobin nang hindi nahuhusgahan. Malawak silang mag-isip at nararamdaman kong gusto naming lahat ang aming ginagawa higit pa sa responsibilidad na inako namin.
Sa mga nagbabasa mula sa multiply, hindi niyo makikita yung larawang tinutukoy ko hangga't hindi nyo talaga dadalawin ang aking tunay na bahay. kaya pindutin nyo na lamang ito.
Grabe ang init talaga ng panahon. At syempre dapat di ba nag-aaral at naghahanda na ako para sa aking trabaho bukas. Pero ito ang aking pinagkakaabalahan.oh well, so much for a post.

No comments: