Nonsense thoughts:
Nakakairita naman at hindi ko makukuha yung isa kong major subject due to conflict of schedule. Ang badtrip nung prof. Pinalipat niya lahat ng class niya from T-Th to MWF na nagconflict sa dalawa ko pang majors. Badtrip talaga. Alam mo yung feeling na sobrang pagod na pagod ka na kakaisip ng paraan kung paano makakapasok sa class na iyon pero hindi rin pala possible. Nakakahiya pa nga kasi kinulit ko yung ibang walang conflict na mag-free ng isang time sched na common sa lahat. Useless din pala.
Hindi bale. Naalala ko tuloy, kinukuwento ng isa kong kaibigan na may nakapagsabi sa kanya na ang blogs daw ay para sa mga losers. Siyempre, nakakataas ng dugo. Nakakairita talaga. Hindi ko maiwasang magreact sa mga ganung klaseng komento. Pero kung iisipin, may pinanggagalingan siya at opinyon nya yun. Hindi sa gusto ko siyang kontrahin o kumbinsihin na gumawa na rin ng kanyang blog account, pinag-isip niya ako kung bakit ba ako nagba-blog.
Isa sa mga rason kung bakit nya nasabi na para sa mga talunan ang blog ay dahil sa hindi niya maintindihan kung bakit kailangang ipangalandakan sa buong mundo ang iba't ibang emosyon ng mga manunulat—pagkainis sa isang tao, pagkabigo sa pag-ibig, pagkakuha ng mataas na marka at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung ano talaga ang sinabi pa niya dahil kuwento na lang ito ng naiinis kong kaibigan na nagba-blog.
Bakit ba ako nagblog?
Una, talagang dahilan nito ay gusto kong makisabay sa uso. Haha pero teka lang. Wala naman akong friendster kasi hindi ko gusto yung konsepto nito dahil nayuyurakan ang salitang kaibigan. Naiirita ako kapag naririnig ko yung mga kaklase nung high school kapag sinasabi nila, "Uy, friend na ba kita? Kung hindi pa, add mo ako ha?" Wala lang. Parang nakakagago siya eh. Nagustuhan ko yung blogger dahil mahilig akong magkuwento. Mahilig akong magkuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa akin. Oo, part ito ng pagiging egocentric ko. Sa blog kasi ako yung bida. Ako yung nagse-share. Walang sisingit sa istorya mo o mambabara. Kontrolado mo ang mga salita.
Pangalawa, ang malaking pagkakaiba nito sa diary ay nababasa ito ng maraming tao at kung tutuusin ay maaari itong mabasa ng lahat. Alam naman ito ng mga nagba-blog. (Ewan ko ba kung bakit may mga iba na may mga secret blogs pa eh mababasa at mababasa rin naman ito ng mga tao. Bakit hindi nalang kayo magdiary na may lock?hahaha) oo, tungkol sa sarili ko ang mga nakasulat dito at bahagi talaga ng sarili ko ang blog pero intensyon ko talagang mabasa ito ng iba. Pangarap ko kasing maging manunulat. Ang drama naman. Sa kurso ko, hindi ako pinahihintulutan nitong tupdin ang pangarap ko. Wala kasi si Pichay dun. Haha. Corny. Sa pagbabasa mo ng blog ko, tinutupad mo ang pangarap ko.Naks may ganun pa. Dahil ang isang sulatin kapag hindi nabasa ng iba ay parang hindi na rin naisulat.
Pangatlo, nakatutulong ang blog ko sa aking pagmumuni-muni sa mga karanasan ko sa buhay. Bukod pa roon, naibabahagi ko ito sa iba. Maaaring may mapulot kayong maganda o masama sa aking mga entries na makatutulong o makagugulo sa iyong isip. Ewan. Hindi ko na mapalawig pa eh.
Huli, nakikibasa ka lang—ika nga ni Soul Karen sa kanyang blog. Grabe naman kung may ganun nang paghuhusga. Malaki ang sinasabi ng blog sa kung paano mag-isip ang isang tao. Kung paano niya pinipili ang kanyang mga salita gayundin ang mga paksang kanyang sinusulat. Kung tutuusin, hindi mo talaga mailalagay lahat ng emosyon at karanasan mo sa isang entry kahit araw-araw ka pang nagsusulat sa blog mo eh. Hindi mo naman isasama yung karanasan mo habang jumejebs kaysa sa kilig na naramdaman mo nang nakita mo si Chris Tiu o kung sinumang Pontio Pilato. May pagpili ng ipakikitang sarili mula sa manunulat—maaaring totoo ito o likhang isip lang din niya. Pero hindi mo kaagad masasabi kung sino talaga ang isang tao sa pamamagitan lang ng kanyang blog. Kaya bakit mo siya mahuhusgahan na isang talunan? Kaya ako nagba-blog dahil pagkilala ko rin ito kung sino ako at ang hindi ako. Eto yung bahagi ng pagba-blog na tanging ang mga nagsusulat lamang ang nakatatanto nito.
Ano ba ang pagiging talunan?
Siguro kaya may ganitong mga negatibong reaksyon dahil may iba-ibang pangangahulugan ng talunan. Marahil, ang pagiging talunan sa kanila ay ang pagiging bukas sa emosyon. Yung mga taong ibinebenta ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng blog. Mga taong kulang sa atensyon. Mga taong walang kaibigan para pagbuhusan ng mga emosyong nararamdaman. Mga taong sa pamamagitan ng blog nakararamdam ng silbi sa buhay.
Paano ko ba binibigyang-kahulugan ang pagiging talunan?
Ang pagiging talunan ay pagsuko sa mga kabiguan. Naks gaganun pa ako. Pero, seryoso. Hindi ba ang paggawa ng blog ay hindi pagsuko mula sa kakulangan mo ng paghihingahan ng mga sama ng loob at emosyon? Basta parang ganun. Ayan, pagod na akong magpumilit na maging sensible. Haha. Kaya sa mga taong nagsasabing talunan ang mga blog, isang mahalagang tanong para sa iyo: Nagba-blog ka ba? Kasi kung hindi, paano mo nalamang talunan ang mga nagba-blog? Marahil hindi mo kilala sila Yol Jamendang, Jope Guevara, Tish Agarrado, Randy Caponga, Mark Benedict Lim, Chi Billones at kung sino-sino pa. Kasi mga kaibigan ko yun at guro . eh baka hindi mo naman talaga ako kilala .haha. Pero tanga nalang makapagsasabing ang mga taong ito ay talunan. Hehe. Lakas ba?
No comments:
Post a Comment