Hindi ko alam kung bakit ayaw kong magbente. Basta ayaw ko lang. Tuwing nagkukuwentuhan kami ng Mama ko tungkol sa aming magkakapatid. Lagi niyang tinatanong kung ilang taon na ako. Syempre ang sagot ko 19. Tapos, sasabihin niya "Ang bilis lang ng panahon. Magtu-twenty ka na." At tuwing naririnig ko iyon, bumibilis ang tibok ng puso ko. Lalo na ngayon na ikinukuwento ko ngayon. Why do I hate to turn 20, let me count the reasons:
- Hindi na ako teenager. Parang ang tanda-tanda ko na. Alam nyo naman, habang tumatanda ka ay bumibigat ang iyong mga responsibilidad. Hindi pa siguro ako handang sa mga iyon.
- Hindi ko pa feel maging 20. Parang pera yan eh. Iba ang dating ng buong 500 pesos sa 499 pesos kahit piso lang. Same thing, isang taon lang ang pagitan ng 19 at 20, pero iba pa rin eh.
- At maraming marami pang iba na gusto ko munang gawin.
Pero hindi ko na naman iyon mapipigilan unless mamamatay ako bago ako magbirthday. Sa katapusan na ang aking kaarawan. Kaysa magmukmok, isusulat ko na lang ang aking wishlist at sana may maawa sa aking magregalo. (After 10 minutes of thinking) Ay di bale na lang. Napansin kong kung hindi may kamahalan ang gusto ko, hindi naman mabibili ng salapi. Saka masyado akong binabagabag ng katotohanang magbebente na ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Kahit anong regalo naman, maa-appreciate ko.
Share ko lang: habang abala akong nagta-type dito, abala rin sa pakikipaglandian ang kapatid ko sa girlfriend niya. Pocha. Nagbe-baby talk pa sila. At naglilingkisan. Oo na. Kuha ko na ang point nila. Mahal nila na ang isa't isa. At masaya naman ako para sa kanila. Para nga lang hindi. Hahaha.
Still, ayaw ko pa ring magbente. Kadirs.
No comments:
Post a Comment