Monday, July 09, 2007

Positions on Bed

Hindi ako makatulog nang maayos kaya naman kung anu-ano nang posisyon ang ginawa ko. Naisip ko kaysa mabalian pa ako ng buto kakahanap ng posisyon kung saan makatutulog ako, isusulat ko na lang ang entry na ito. Eto yung mga posisyong naaalala ko pa na ginawa ko para lang dalawin lang ng antok.

Una, ang normal na higa. Nakaharap sa kisame at halos tuwid sa pagkakahiga. Ang kakaiba lang sa normal kong posisyon ay nakatapak ang aking paa sa kama. In shot, hindi nakatuwid ang aking mga binti. Nagsimula pa ito noong bata ako dahil may nangangalabit sa aking talampakan. Hehe.

Pangalawa, ang dapa position. Eto talaga crucial ito kasi eto yung madalas na posisyon ko kapag nagigising ako. Hindi ko alam kung galing ba akong headstand o di kaya ay standing position. Basta eto yung laging posisyon ko kapag nagkaroon na ako ng malay-tao. Pero masakit siya sa aking future kahit hindi naman ito kalakihan ika nga ni Karla.

Pangatlo, ang dantay position. Hindi komportable ang aking tulog kapag wala akong unan sa paligid. Kahit dalawa lang, masaya na ako. Yung dantay position, nakadantay yung kanan kong hita sa unan na halos makaabot na sa aking baba. Ganun ako kataas magdantay.haha. yung parang nakasplit na vertically.

Pang-apat, ang 69. Baligtaran kayo ng iyong kama. Gusto ko ito kapag antok na antok ako at bored na bored na rin sa aking sleeping routine. Bihira ko lang itong ginagawa. Masaya kapag nakataas ang paa sa headboard ng kama. Since hindi aircon ang aking kuwarto, nakatigil sa mukha ko ang hangin mula sa electric fan. Kaya kapag naka-69, paa ko yung nahahanginan. Hehe. Wala lang.

Panlima, ang fetal position. Gustong gusto ko ito kapag sobrang lamig. Tapos, balot na balot ka ng kumot habang hindi pa tumitigil ang ulan sa labas ng bahay.

At marami pang ibang posisyon na kaya mong gawin sa kama kahit mag-isa ka. hehe.

No comments: