Friday, July 20, 2007

Happy Assignment

Sinulat ko ito exactly a month ago. Hehehe. Naglilinis kasi ako ng mga files nang makita ko ito. Sayang naman kung hindi ko ipopost.Hehehe. Ayun. :D

-----sana may mapulot kayo mula rito.hahaha----

Kagabi, ginawa namin ang group assignment namin ng mga blockmates ko sa CIE 142. (Actually, ang subject na ito ay tungkol sa Computer Organization at Assembly language.) Tinawag ni Sir Ice (yep, siya yung prof ko) na happy assignment yung group homework namin. Nga naman, masaya siya. Yung assignment kasi namin ay parang get-to-know-your-groupmates chorva. Kakain kayo sa labas tapos usap-usap. In fairness, may guide questions pero ang awkward namang ipilit siya sa mga conversations namin. Anong kailangang ipasa? Picture dun sa pinagkainan at resibo na ring patunay na kumain kayo talaga saka sagot sa binigay niyang guide questions. Ang kulit di ba?

Yung first "formal" meeting namin sa kanya, laugh trip talaga. Nasasakyan niya yung trip ng mga blockmates ko. Ang kulit talaga. Buti na lang okay siyang professor (as of now) kasi nako-compensate yung pagiging gabi ng klase. Speaking of classes, eto yung sched ko ngayong semester:

Monday:
1:30-3:30pm ELC 141 laboratory (Sir Oppus: F 323)
3:30-4:30pm ELC 106 lecture (Ma'am Cat: F114/CTC 219)
5:00-8:00pm CIE 142 (Sir Ice: CTC 219)

Tuesday and Thursday:
12:00-1:30pm POS 100 (Ma'am Lao: Sec Lec 3)
1:30-3:00pm ELC 141 lecture (Ma'am Arsol: F117)
4:30-6:00pm (Sir Sevilla: SecA215A)

Wednesday:
7:30-9:30am ELC 106 laboratory (Sir Celso: F325)
3:30-4:30pm ELC 106 lecture (Ma'am Cat: F114/CTC 219)
7:30-9:30pm CIE 122 (Sir Ice: CTC 219)

Friday:
3:30-4:30pm ELC 106 lecture (Ma'am Cat: F114/CTC 219)

Nilagay ko na rin rooms ng classes ko para ma-access ko siya kapag nakalimutan ko. Haha. At saka para na rin sa gustong mangstalk sa akin (dahil gusto nila ako o gusto nila akong patayin) at para na rin sa mga taong ayaw akong makita, iwasan niyo ang mga panahong ito. Haha. Feeling.

Obviously, panghapon ako. Oh well, buti na lang din. Hehe. Going back to our happy assignment, kumain kami sa Wok Dis Way. At kulang ang block ng isa. Wala kasi si Ibn pero naiintindihan ko siya dahil feeling ko nararamdaman niyang pork sisig ang kakainin namin. Sobrang natuwa naman kami ni Chester dahil Maria Flor de Luna yung palabas sa Wok. Haha. Matatapos na kasi yun this week. Tapos, napanood din naming manlumo yung contestant sa Deal or No Deal nang malamang 3 Million yung laman ng kanyang briefcase. Sobrang ikinatuwa naman iyon ni David. Benta talaga si Don. Inaabot niya yung kutsara ni David sa akin for "essence" at siyempre kinuha ko at inaktong ibubulsa. Tapos nung binalik na kay David, ayaw niyang kunin at baka mahawa siya ng pagkahigad ko. True. Nahigad ako for the second time sa Ateneo at parehas na related yung higad incidents ko sa Gabay. Nung first year ako, nahigad ako after kong ma-interview for membership sa Gabay at si Ate Q pa nga nag-interview sa akin. Tapos yung kahapon naman, nung inaasikaso ko yung recruitment forms and sign-ups for hotspots na ngayong SecGen na ako. Buti na nga lamang ay dumating na parang knight in shining armor (weh, exag.) si Julius at sinamahan niya ako sa infirmary at pinahiram na rin ng shirt at nakapangakong sasali sa AMS. Going back again sa happy assignment namin, sobrang health conscious (or should I say body figure-conscious) si Don at Daniel. Yung isa, hindi kumain. Yung isa naman, onti lang. Ayun.

Nga pala, sumali ako sa AECES din dahil sa ECE crush ko. Nakakairita nga kasi nag- "makaawa" pa siya sa akin. Kumusta naman iyon at muntikan ko siyang masagot ng "I do." Hahaha. Hay *a**. Yaan mo, try kong maging active sa pinakaposibleng paraan. Hehehe. Siyempre lumalandi pa ako nun eh pagkagaling na pagkagaling ko ng infirmary.kumusta naman yun.

"Kapag nakakasalamuha kita, naririnig ko siya sa iyo. Ingat, baka magkapalit na kayo ng mukha niyan."—gustong gusto ko itong ihirit kaya lang masyado pa akong mabait para gawin yun kaya sana mabasa mo na lang ito. Ilang kasi ako sa iyo eh at hindi talaga kita trip pala in the first place. Hahaha.

What I bad way to end this entry.

2 comments:

Anonymous said...

Entschuldigen Sie, dass ich mich einmische, es gibt den Vorschlag, nach anderem Weg zu gehen. viagra wirkung dauer viagra generika rezeptfrei [url=http//t7-isis.org]viagra rezeptfrei[/url]

Anonymous said...

hi all
http://www.tor.com/community/users/dribcougmator1984
http://www.tor.com/community/users/ophporisxa1980
http://www.tor.com/community/users/verzchanrozos1976
http://www.tor.com/community/users/tibthyoupayqui1971
http://www.tor.com/community/users/gradasatak1986