Monday, July 02, 2007

Sobrang Isip (ng mga bagay na walang kuwenta)

Sobrang Isip (ng mga bagay na walang kuwenta)


 

Minsan sa sobrang pag-iisip ko, nauubusan ako ng iisipin. Siyempre, ayaw kong gaanong lumublob sa mga problema dahil baka ikalunod ko iyon at hindi na muling makaahon. Kaya naman eto yung mga bagay na naiisip ng baliw kong kokote. Mga tanong ito ukol sa aking mga kakaibang karanasan:

  1. Kailan ba ako huling nakatapak ng echas?

    Sagot: hindi ko na alam kung kailan eh. Pero for sure, mabaho yun. Hahaha. Echas meaning fufu ng animals. Iba ito sa echos. Hmmm…related kaya itong dalawang slang terms na ito? Haha.


     

  2. Kailan ako huling nadapa o natalisod na sobrang nakakahiya?

    Sagot: Last second semester ata. Sa may Faura stairs. Malapit na ako sa second floor nang bigla akong natalisod at napatakbo ako papunta sa kasalubong ko para mabalik ang aking balanse. Siyempre mukhang tanga talaga ako nun lalo na kasi paakyat ako. Hahaha


     

  3. Sino yung huli kong kasama nung halos maiyak na ako kakatawa?

    Sagot: Si Bob. Si bobbylicious talaga! Nakakatawa siya nang sobra. Minsan ang sakit sakit na ng tyan ko kapag nakakasama ko siya. Nai-imagine ko pang sinasabi niya ang "Hindi naman" hahahaha


     

  4. Ano yung pinakanakakahiyang ginawa ko sa buong buhay ko na talagang pinagsisihan ko?

    Sagot: Nung seven years old ako, birthday ko pa nun. Tinry kong magshoplift ng isang anting anting sa pamamagitan nang pagbulsa nun sa bulsa ng tatay ko. Eh biglang naghanap ng pera yung papa ko sa bulsa niya nung nasa cashier kami. Kaya nakita niya at siyempre pinagalitan ako. May ganun kasi yung kaklase ko nung grade 1, si Jessica. Eh nainggit talaga ako kasi dati ang pagkakaalam ko kapag may anting-anting ka, hindi ka basta-basta mamamatay. Kaya nagawa ko yun. After that event, hindi ko na ulit nasubukan at hinding hindi ko na susubukan yung manguha ng bagay na hindi akin.


     

  5. Ano yung huli kong ginawang kasalanan?

    Sagot: Nagsinungaling


     

  6. Ilang beses na sa buong linggong ito ako nagchorva?

    Sagot: Mga nakaraang linggo, dumadalas. Gusto ko namang tumigil eh. Pero hindi ko pa alam kung kaya ko itong isakripisyo.


     

  7. Sino ang huling taong nagpatawa sa akin bago ko ito i-type?

    Sagot: Si Tim. Hoy, isa siyang batang mang-aawit.hahahaha.


     

  8. Anong bagay ang kayang magpatigil ng aking mundo?

    Sagot: si tinkerDELL


     

  9. Anong bagay ang lubos kong namimiss?

    Sagot: si Rosemary


     

  10. Kailan ko siya huling naalala?

    Sagot: Hindi ko naman siya naalala eh. Dahil ang mga naaalala ay iyong mga nakakalimutan. Eh nasa puso ko naman siya lagi. (Ang lakas ba? Pero seryoso yan.)

  11. Sino ang tinutukoy ko sa numero 10?

    Sagot: hahaha!! Lumang entry ko na ito na ngayon ko lang ipopost kaya di ko na maalala kung sino ba yung tinutukoy ko.

  12. Anu-ano ang kinahihiligan kong gawin ngayong mga nakaraang araw?

    Sagot: Ang kumain at magchorva. Ginagawa ko ito ng salitan. Sabi nga ni Tim, (halika dito, halika sabi!) adik nga raw ako. haha. Uy kahit ilang beses ko siyang binabanggit sa entry ko wala na kaming pag-asang magkabalikan at final na iyon. Hindi pa ako nakakapagtimbang pero feeling ko nasa 100lbs na ako…huhuhu. Jogging buddy, help!!

Malapit na ang aking birthday…Natatakot akong magbente!!! Ayaw ko nun… huhuhuhu..

No comments: