Friday, January 18, 2008

Relasyon.

Disclaimer: Katatampukan ito ng maraming bulgar na salita. Kung hindi ka palagay o bukas sa mga ganung termino, huwag mo na lang basahin ang entry kong ito. Hindi ko hinayaang magkaroon ng mga ganung salita para lang makabastos pero para palabasin lalo ang mga punto ko sa buhay. hehehe.


“Relasyon,” Cubao Midnight Express ni Tony Perez

“I don’t fucking care kasi sawa na’ko sa buhay kong gan’to, sawa na ‘ko sa expectations mo, sa expectations ng ibang tao, sa expectations ng mundo, sawa na ‘ko sa kaplastikan, sawa na ’ko sa kantutan! Ayoko nang ‘pakantot, I hate it, I just hate it ‘pag kinakantot ako, I hate it ‘pag kinakantot mo ‘ko, kasi, ‘tapos mo ‘ko ‘kantutin, ang feeling ko, kinakantot mo pa rin ako, kahit naka-panty na ‘ko, kahit naghugas na ‘ko ng puki ko sa banyo, ang feeling ko, kinakantot mo pa rin ako, kahit mag-isa na ‘ko’ naglalakad sa daan, kahit wala ka na, kahit wala na ‘ko’ kasama, ang feeling ko sa puki ko, kinakantot mo pa rin ako! Naaamoy ko pa, naaamoy kita, I can smell it in my hair, ‘tapos ko’ maligo I can still smell it in my hair, kahit ten times ako’ maligo, kahit mag-shampoo ako I can still smell it in my hair, and I hate it, I hate it, kasi parang me pinapasok akon’ tao sa loob ng katawan ko, sa loob ng kaluluwa ko, pinapasok ‘tapos ‘di ko na alam paalisin, and every minute of the day, ang feeling ko, kinakantot ako!”

Sabi ni Carissa kay Vir.

Ewan ko ba. Naiyak ako sa mga linyang ito. Hindi dahil sa talamak ito sa maraming bulgar na salita. Hindi dahil nararamdaman ko ang pakiramdam ng pagkakakantot gaya niya. Kung hindi, isang kasaklapan ng pag-ibig.

Naisip ko ng nabasa ko ito, hindi yung relasyon ko sa boyfriend ko o relasyon ko sa kung sinumang lalaki. Naisip ko yung relasyon ko sa aking pamilya. Naisip ko yung relasyon ko sa aking pag-aaral. Kung paano ang hirap umibig sa mga ito lalo na kapag hindi mo alam kung gusto mo ba talagang umibig dito.

Gaya siguro ng pakikipagtalik, gaya siguro ng pag-aaral, gaya siguro ng pagiging isang anak. Sa sobrang sanay ka na sa kontekstong ginagalawan ng mga ito nawawala yung tunay na libog rito. Yung tunay na intensyon. Yung tunay na asim at tamis nito. At kapag natandaan mo na, mabubulunan ka. Magugulat ka pero sa totoo lang ganun naman talaga yun sa simula. Kapag nasanay ka nang kinakantot, nasanay ka nang maging mag-aaral, nasanay ka nang maging ganito o ganyan. Tapos, naipaalala sa iyo ang pinaka-esensya ng ginagawa mo, nakakasuka na.

Sisisihin mo ang iba. Ang pakikipagkantutan. Ang pag-aaral. Ang iyong mga magulang. Isisisi mo ang lahat ng kasablayan mo, ang kawalang katarungan sa mundo, ang ‘di pagkakakapantay-pantay, ang kaapihan, ang putahan, ang digmaan sa Iraq pati na Diyos idadamay mo. Pagdidikitin mo ang iyong mga kamay at luluhod tatawag sa Kanya, “Lord, bakit mo ako hinayaang maging ganito? Hinayaan mo akong malugmok sa kalungkutan, kamunduhan at kasawian.”

Naiinis ako kay Carissa. Naiinis ako sa mga taong gaya niya. Naiinis ako sa sarili ko. Kasi ganito ako. Sisisihin ang sistema, ang gurong tamad o hindi pumapasok, ang kairesponsablehan ng mga magulang sa pagbabayad ng matrikula. Hahahanap ng matuturuan ng kamay. Mapagbubuntunan ng galit. Naiinis ako sa sarili ko sobra. At pagkatapos maramdaman ang lahat ng kasablayang ito, malulungkot. Malulunod ako sa kasawian hanggang hindi ko na kayang bumangon. Ang tanong, may nagawa ba ako?? Isang malaking sampal sa mukha, WALA.

Gusto ko nang magmove on. Gusto ko nang magbago, seryoso. Gusto ko nang bumalik sa dati kong sarili. Malayo sa karimlan at kasawian ng pag-ibig. Kung pag-ibig nga ba itong matatawag o pakikipagkantutan sa buhay…

No comments: