Kapag tanghali at gising ang aking diwa, nakakapanood ako ng "Ang Joke ko!" sa Eat bulaga. At bago pa man magkaroon ng ganitong portion sa variety show na ito, may "wala ka sa lolo ko" joke na.
Lahat na yata ng Pilipino, kinamulatan ang joke na ito. Ka-level niya ang mga Alamat at epiko na hindi alam kung saan nag-ugat at nagsimulang sumibol. Matagal na ito sa phone ko pero gusto ko lang i-share kasi isa sa "wala ka sa lolo ko" joke sa pinakamatandang uri ng komedya sa ating bansa na nagpapakita ng kulturang nagbibigkis sa iba't ibang panahon at henerasyon.(weh.)
Boy1: Ang lolo ko 80 na, sumasali pa sa tagay!
Boy2: wala kyo s Lolo ko, 82 na, nagba-bar pa!
(Boy3 nagring ang cellphone)
Boy3: Lo, Sige po. Ingat
Boy1 & Boy2: sino yun?
Boy3: Lolo ko. Nag-aaya...
DOTA daw kami. :-P
Nagawang pagbigkisin ang teknolohiya at katatawanan. Ang DOTa ay isang uri ng laro sa computer. Pinakita rin ng pag-uusap na ito ang kultura ng bagong kabataan--umiinom, nagbabar at may cellphone. At ang mga gawain na ito ay kakatuwang makitang ginagawa pa rin ng matatanda.
Ngunit, gaya ng balangkas ng joke na ito. Sinusunod pa rin nito, ang hindi lantarang tuntunin ng isang "wala ka sa lolo kong joke." Buhatan ng bangko. Di maaaring dalawa lamang ang nag-uusap. Kailangan ng pangatlong tao. Kailangan ng pinaka. Sa ganitong porma, palagi at hindi puwedeng hindi ang pangatlo o huling magmamayabang ang magbibitaw ng nakakatawang linya.
Tunay ngang, kahit sa mga maliliit at mababaw na bagay gaya ng nakasanayan na nating biruan kakikitaan ng kaibahan ang ating kulturang kinalakhan.
hehehe. bored lang ako. Akalain mong puwedeng bigyang pakahulugan ang mga ganitong mga bagay. harhar
No comments:
Post a Comment