Saturday, April 19, 2008

Kapuso, isang imbitasyon

Nakatanggap ako ng isang multiply invitation mula kay Lovi Love (kung sino man siya. baka siya si "Smile naman dyan and everything!" pero di ko sure misleading pa rin yung name eh) para maging bahagi ng Kapuso Webpage. Nagulat talaga ako; kasi, though alam kong mukha akong galing artist center nila, bakit naman ako iimbitahan maging bahagi ng webpage na ito. (hehe. Nagfi-feeling importante lang ako, hayaamuna..)

may dalawang buttons di ba sa multiply invite? Decline at Accept. Hindi ko alam kung bakit pinag-iisipan ko nang mabuti ito...

Accept dahil:
Una, mas maganda ang reception ng GMA sa amin. Since wala kaming cable, umaasa kami sa signal na nasasagap ng antenna.
Pangalawa, dahil taong bampira ako.Madalas mga shows sa umaga ang naaabutan ko. Mahilig ako manood ng Doraemon at One Piece. Tapos, pahinga at nood ng Eat Bulaga kapag kaya pa ng mata ko. Sunod-sunod na hanggang yung mga teledrama nila gaya nung kay Nadine Samonte at Polo Ravales.
Pangatlo, nagshooting ang Joaquin Burdado sa Marikina Hotel. Eh dun ako nagdebut. Tapos sa SDS hospital, eh dun naka-confine yung family friend naming may dengue. hehe.wala lang. Feeling close.
Pang-apat, yung mga taong ini-interview sa TV na nambobolang masugid silang nanonood ng mga telebabad shows ng GMA madalas sa OLA parish church yun. Eh nung madalas pa akong magsimba, dun ako.
Panlima, kamukha ng first boyfriend ko si Aljur (tama ba spelling?)
Pang-anim, alam ng mga maliliit kong pinsan na ex ko si Rainier Castillo. Di ko na maalala kung paano ko sila napaniwala. (Actually, naaalala ko ayaw ko lang ikuwento nakakahiya eh.)
Pampito, si Kuya Jed doon nagtatrabaho sa UH. At dati, nag-ojt si Kuya Roi dun. at magaganda ang feedbacks nila sa network.

Decline dahil:
Una, ayaw kong aminin na maka-kapuso ako. Though, mas pabor ako sa kanila in terms of quality as a tv network in general.
Pangalawa, paborito ko ang Lobo at Palos. Baka kagatin ako at i-assasinate kapag sumali ako.
Pangatlo, masyadong nasa limelight si marian rivera. wala na akong puwang sa siyete pag ganun. Unless may awayan, lipatan at labasan ng scandal ulit. hehe. kidding.
Pang-apat, baka di na ako matanggap ng iba kong konyong kaibigan at sabihan pang "eww, ekai you're so jologs kaya. why do you make sali with kapusow group. It's like for fans kayahh who go gaga after their favorite idols..ewww"
Panlima, naaawa ako sa nangyari kay Angel Locsin eh..
Pang-anim, may kapangalan siya na medyo kinaiinisan kong tao eh. kaya yun.
Pampito, ayokong may panigan sa network rivalry nila with ABS-CBN. Ika nga ng ABC 5, "nakaka-OP na kayo ah..."

Indecisive ako dahil:
Ayokong maging kasangkapan ng anumang network para i-promote ang site nila. We know for a fact that in our generation, internet plays an important roles. Some schoolworks are discussed and submitted online. We even get in touch with our friends through sending e-mail or chat. One can find overwhelming information by just browsing.
And we are all familiar that word of mouth is one of the most, if not the only, powerful form of advertisement. I guess for the internet era, word of mouth turns to word of blog.
Still, maliit na porsiyento lang din naman ng populasyon ng buong mundo ang dumaraan at nag-aabalang tumingin sa multiply site ko (buti ginawa ni God ang konsepto ng friends) para mag-inarte ako nang ganito.
I'm not just comfortable with mainstreaming stuff. Katulad ng network rivalry ng ABS-CBN at GMA. Nawawala yung esensya ng pag-aliw at pagsisilbi sa mga manonood kasi naging mas mahalaga sa kanila ang ratings. Ratings lang ba ang sukatan para masabing tunay na dekalidad ang mga shows nila? I know that rating is crucial in getting commercials and advertisements na bumubahay sa mga istasyon but I thinks that's a different side of story..

Parang sa toothpaste, colgate o close-up.Eh may hapee rin naman ah. Sa softdrinks, coke at pepsi. Buti nalang may RC. Lalong lalo na parang politics, adminstration o opposition. Pero hindi napapansin ang mga politikong walang mahalaga sa kanila kundi ang pagsilbihan ang bayan nang buong puso at katapatan.
Nalilimitahan ang mga pagpipilian kasi nakatuon tayo sa kung sino ang pinakamagaling at hindi kung ano ba talaga ang silbi ng network, ng toothpaste, ng softdrinks at ng gobyerno.

Ano, sasali ba ako?hmmm...Any way, nonsense scribblings again. hehe...



No comments: