Ang buhay ko ngayon ay under construction. Andami na kasing damage na nakuha nito nitong mga nakalipas na tatlong taon.
May mga pagkakataong hinayaan kong ayusin ito ng ibang tao para sa akin. Masaklap nito, naging kampante ako sa kanilang pagtulong. Hindi ko na nakayang ihanda ang aking buong pagkatao sa malaki at biglaang mga pagbabago sa buhay ko. Ambilis tuloy bumigay at nasira.
Tingin ko, madaling masisira ang isang newly renovated life kung hindi sa kaloob-looban mo galing ang pinakapundasyon. Kaya naman, ang buhay ko ngayon ay mag-isa kong inihahanda sa maraming pagbabago--nadagdag na mga responsibilidad at panibagong mga desisyong kailangang panindigan.
Sa ngayon, nasa blue print pa lang ako. wala pa sa 10%. Ayokong mangakong magiging mas mabuti ang kalalabasan nito kaysa sa dating ayos ng buhay ko. Ang masisiguro ko lang, higit itong mas matibay dahil lubos ko itong pinagplanuhan.
Hindi ko maipapangakong magugustuhan ng iba ang bago kong buhay, ang alam ko nakaugat ito sa lahat ng aking natutunan sa loob ng dalawang dekada at ilang taon..
Sumubaybay lang kayo sa progresso ng renovation na ito pero wala akong nais ipangakong ano pa man. Let's just all wait and see...
No comments:
Post a Comment