(bale, kahapon na kasi madaling araw na ngayon.)
Nakalabas din ako sa aking lungga at nakapaggala-gala kahit papaano. Kasama ko ang aking Tita Vik, pinsang sina Ata at Joanne. Magtatanghalian na kami ng pumunta sa mall. Kumain kami sa KFC. Ngayon ko lang natikman (at wala nang balak tumikim pa ng) chewy cheese nila. Masarap naman ang rocky road krushers nila pero ang pinakamasarap ang panooring kumain si Ata. hehehe.
Pagkatapos nun, dumiretso kami sa department store para samahang bumili ng polo si Ata. Biniro sya ni Joanne na isukat ang pinakamalaking size ng polo sa Boys' section. Nainis pa sya. It turned out na kahit yung pinakamalaking size hindi kasya sa kanya. Nung nasa Men's section na kami, doon lamang nagkaroon ng polong kasya sa kanya.Sa kabila noon, hindi nalang din sya binili kasi hindi gaanong maganda ang kalidad ng tela nito para sa presyo. Sumunod nun ay binilhan siya ng sapatos, kasuotang panloob at ilang gamit sa paaralan. Naglaro ng kaunti sa AW entertainment at umuwi na.
Napagtanto ko na may mga bagay talagang magiging at magiging in denial ka. Kahit alam mong posibleng mangyari iyon, pilit mong isisiksik na hindi ito mangyayari. Karaniwang ganun ako. Karaniwang ganun tayo. Karaniwang ganun ang tao. Sa kabila nun, naniniwala akong hindi ito likas sa atin.Di bale, ang denial ay natatapos din sa acceptance. Kasi sa proseso na iyon ng pagwaksi at kalauna'y pagtanggap, tayo ay natututo.
No comments:
Post a Comment