Monday, June 28, 2010

Subok Lang

Nang lumabas ang MS office 07, agad agad kong sinubok ang feature nila ng pagpopost ng blog gamit ang MS Word blog entry na naka-synchronize sa blogger account ko. Yun ay kasagsagan pa ng matibay naming relasyon ni Tinker. Sobrang namimiss ko na nga sya eh. Ngayong sinusubok ko gamitin naman ang sa PC namin dito sa bahay. Di bale, ako lang naman ang nagba-blog dito kaya hindi rin sila interesadong malaman kung paano at ano ang ginagawa ko sa MS Office dito. Basta may DoTA, okay na silang lahat.

Sa totoo lang naiinip na ako. Gusto ko nang maraming maraming ginagawa. Una, kapag abala ka maraming bagay ang hindi mo na paulit ulit iniisip. Pangalawa, nalalayo ka sa maraming tukso. Sabi nga nila, "An idle mind is a devil's workshop." Pangatlo, para naman magkasilbi ako. Excited din naman ako sa maraming bagay gaya ng pagtupad sa mga plano ko sa para hinaharap.

Sana maipublish ko ito kung hindi loser talaga ng net connection namin.hehe.

No comments: