Tuesday, February 15, 2011

Pagkatapos ng Balentayms


Marami akong namiss na tao..
Pero pinakanamimiss ko ang aking sarili.
Kasi ngayon, medyo pumuti at chubby na ako..
Namimiss ko yung tanned and slim na itsura ko..
Sana pumayat na ako ulit.. pero no pressure naman.hahaha.
Ano ba ito? Instead of working, nagba-blog ako.
Okay, Ekai, Back to work. :-p

Sunday, February 06, 2011

Kahapon Sa Trinoma

Kahapon lang ako nakapunta sa Trinoma. Ang ganda pala dun. Magaganda mga waiting benches nila.parang receiving lounge sa ibang hotel.

Pero higit dun, muli kaming nagkita ni Angel. Masaya ako kasi kahit nagulat sya, parang di naman ganun katagal mula ng huli ko syang nakita. Gaya nung nakita ko ulit yung iba kong malalapit na kaibigan. Kahit ang dami dami dami nang mga bagay ang nangyari at pinagdaanan namin, pakiramdam ko siyang siya pa rin yung naka-one on one ko ng tanduay ata yun o gsm blue at nalasing kami. Siya pa rin yung kakuwentuhan ko ng kung anu-ano. Nung di ko pa sya nakikita, super miss ko na sya. Nung nagkasama na kami parang feeling ko parang nung isang buwan lang kami huling nagkasama.

Masaya ako kasi isa sya sa mangilan-ngilan kong kaibigan na dumaan man ang ilang tag-init at tag-ulan, hindi nangungupas yung pagtangi namin sa aming pagkakaibigan.

Masaya ako kasi kasama ko syang namili ng mga gamit-gamit ni Jio. At nakingalay sya sa pagbuhat kay Jio at nakihaba ng pasensya sa pagkasipsip ni Jio ng wallet at bag nya.

Masaya ako kasi sa unang beses kong nakapunta sa Trinoma at sa katabi nitong Landmark, siya yung kasama ko,

Masaya ako kasi kaibigan ko sya at magandang bahagi sya ng aking buhay.
***
Pagdating ko ng bahay, wala na sila Doodz at Babes. Pumunta pala sila sa Binangonan. Nga pala,
birthday ni Kuya Conrad. Dun na sila nagpalipas ng magdamag.
***
Si Jio, kahapon ko lang siya napasyal na kaming dalawa lang. Sobrang masaya rin ako dahil dun. Nakita ko na nag-enjoy sya sa pagtingin tingin sa paligid. At maaga kami nakatulog. wala pang alas-12 ng umaga.

Si Jio, ngayon ay kalong-kalong ni Tita Pina. Nakakangalay na sya kasi nagsisimula syang lalong bumigat ang lakas kasi nya kumain ng cerelac. At tatayo na ako sa pagkakasalampak sa sahig at lalayo na sa harap ng laptop na ito para ako naman ang magbuhat.

Sa susunod na araw ulit.

Wednesday, February 02, 2011

On Commitments, Engagements and Marriages

Two nights ago, I dreamed I was engaged to PNoy, our president. (That's what a single get to dream of when she thinks too much of her country and its bachelor president. haha) The way everyone reacted in my dream seem to tell me that they've been waiting for us to be engaged for a long time now. Then I was forced to say yes while he putted the ring on my ring finger. I was thinking then about the responsibilities of being her first lady and how my life will be put into a public spectacle. I was so not into the idea of getting married. When I woke up, I just realized how worried I was when I was confronted by that situation.

Commitments. What I hate about commitments is the expectation. You are expected to act like this and that. You are expected to report where you are, almost every hour. You are expected to be sweet, caring and understanding.

Engagements. What makes engagements pathetic is the idea of "no turning back." Like in chess, it's touch move. Once you are engaged, it is almost as you are married. It would be harder to turn down your lover if you change your mind.

Marriages. If it weren't for annulment and divorce, marriage is a forever promise (or curse) to spend the rest of your life with someone.

I might sound skeptic on how I view these terms. But you know what, the real key to making these three haven and enjoyable is Love. It may be cliché but loving someone that loves you back is everything. Committing,engaging and marrying that person is as easy as reading your favorite book or even chewing your food.

I have seen lots of failed relationships and even experienced it. But, it is always ecstatic to see couples loving each other for the rest of their lives. Seeing them makes me hope that someday I'll meet the one that is indeed for me. Or maybe, I met him already. :-D

But please, not PNoy.


Tuesday, February 01, 2011

Love Month

Love month na at masayang nagsimula ang buwan na ito. Puno ng pagmamahal galing sa mga taong mahal ko rin.
****
I found my former tutors in facebook. Nakakaaliw lang na sa sobrang lawak ng social network na ito almost everyone has an account.
****
magrarant sana ako kaso start ng month kaya lang masisira ang simula ng buwan ko pati maypagka-immature pang gawin yun kaya wag nalang. Bawal ang BV.hehe
****
I plan to celebrate Sivan's birthday at CRIBS. Sana mag-materialize ito. God help me.
****
You continuously make me smile.Sana marami pang start ng February na magkasama tayo. I try to look serious while typing this but my heart is jumping because of so much joy in it.