Pero higit dun, muli kaming nagkita ni Angel. Masaya ako kasi kahit nagulat sya, parang di naman ganun katagal mula ng huli ko syang nakita. Gaya nung nakita ko ulit yung iba kong malalapit na kaibigan. Kahit ang dami dami dami nang mga bagay ang nangyari at pinagdaanan namin, pakiramdam ko siyang siya pa rin yung naka-one on one ko ng tanduay ata yun o gsm blue at nalasing kami. Siya pa rin yung kakuwentuhan ko ng kung anu-ano. Nung di ko pa sya nakikita, super miss ko na sya. Nung nagkasama na kami parang feeling ko parang nung isang buwan lang kami huling nagkasama.
Masaya ako kasi isa sya sa mangilan-ngilan kong kaibigan na dumaan man ang ilang tag-init at tag-ulan, hindi nangungupas yung pagtangi namin sa aming pagkakaibigan.
Masaya ako kasi kasama ko syang namili ng mga gamit-gamit ni Jio. At nakingalay sya sa pagbuhat kay Jio at nakihaba ng pasensya sa pagkasipsip ni Jio ng wallet at bag nya.
Masaya ako kasi sa unang beses kong nakapunta sa Trinoma at sa katabi nitong Landmark, siya yung kasama ko,
Masaya ako kasi kaibigan ko sya at magandang bahagi sya ng aking buhay.
***
Pagdating ko ng bahay, wala na sila Doodz at Babes. Pumunta pala sila sa Binangonan. Nga pala,
birthday ni Kuya Conrad. Dun na sila nagpalipas ng magdamag.
***
Si Jio, kahapon ko lang siya napasyal na kaming dalawa lang. Sobrang masaya rin ako dahil dun. Nakita ko na nag-enjoy sya sa pagtingin tingin sa paligid. At maaga kami nakatulog. wala pang alas-12 ng umaga.
Si Jio, ngayon ay kalong-kalong ni Tita Pina. Nakakangalay na sya kasi nagsisimula syang lalong bumigat ang lakas kasi nya kumain ng cerelac. At tatayo na ako sa pagkakasalampak sa sahig at lalayo na sa harap ng laptop na ito para ako naman ang magbuhat.
Sa susunod na araw ulit.
1 comment:
Awwww Angel, kakaiyak naman to!!! Haha I remember our first year tanduay-with-yakult-as-chaser days!
Na-miss din kita nang bongga. Mas dalasan na natin ang pagkikita. Ako ang dadayo dyan sa bahay nyo. Haha. Ininvite ko talaga ang sarili ko.
I-hug mo ako kay Jio! :)
Post a Comment