Saturday, July 01, 2006

Bakit di ako nag-artista

Naalala ko nang ako’y nasa elementarya pa, sobrang gusto kong maging artista. As in yun para sa akin ang ideyal na trabaho. Nai-imagine ko pang kumakanta, sumasayaw at umaarte sa harap ng kamera at tapos, sa backstage ay nakikipagchikahan sa iba pang artista.
Kaya naman hindi ako nagtataka kung bakit ako sinali ng aking Mama sa Little Miss Philippines nung ako’y nasa kinder II. Pero obvious naman ang nangyari, hindi ako nanalo. Bakit kamo? Kasi ni hindi nga ako natanggap sa elimination round dahil audition pa lang bagsak na ako. Nakaka-disappoint noh pero kahit ako yung audition head ay hindi ko tatanggapin ang sarili ko. Ang talent ko ba naman ay modeling. Modeling!?! Syempre, kakawindang yun kasi wala namang extraordinary dun sa gagawin ko. Hay, ewan ko ba. Baka hindi lang talaga para sa akin ang showbiz.
Hindi naman ako madaling nawawalan ng loob kaya ang pangarap na iyon ay pinanghawakan ko nang…Matagal. Umaasang magiging artista rin ako balang araw. Akala ko ay big break na ang dumating nang minsan ako’y nag-aabang ng sasakyang jeep. May isang lalaking nag-abot sa akin ng flyer. Tungkol sa pag-aartista yung flyer. Siyempre, nagmamaganda ako dahil puro may hitsura yung inaabutan niya ng flyers. Feeling ko, “Finally, napansin na rin ako ng isang talent scout na may good sense of beauty.”
‘Pag sakay ko ng jeep, agad kong binasa yung flyer tipong makikita rin ng mga katabi ko. Nakalagay dun yung mga requirements at tingin ko ay pasado naman ako dun. Tapos, punta lang daw ako dun sa 2nd floor ng isang building sa may Masinag. Nakalagay sa pinakataas ng papel: In partnership with GMA-7 Extra Extra. Punyemas. Matagal nang walang ganung show dahil Extra Challenge na ito ngayon. Nakalipat na sa kabilang istasyon yung pioneer female host nun. Tanggala. Pag-aartista na, naudlot pa. Naisip-isip ko nun, siguro kung lumapit ako sa Imbestigador para isumbong itong racket nila ay nagkaroon pa ako ng exposure.
Muli, hindi ako madaling nawawalan ng loob. Kaya naman, patuloy akong umasang magiging artista rin ako balang araw. Hanggang kagabi, napagtanto kong hindi talaga ako pangshowbiz. Dahil kung artista na ako,

1: May mga pagkakataong gagamitin ng mga tao ang kanilang mga art skills sa aking mga pictures (magazines, notebooks at song hits) sa pamamagitan nang paglalagay ng itim sa aking mga ngipin, kilay at mukha hanggang mukha naakong taong gubat.

2: Hindi pa sila makokontento dun. Lalabas ang kanilang mga lahing mangkukulam at mambabarang dahil bubutasin nila ang aking mata, bibig at ilong sa mga larawan kapag bored na sila sa pagkukulay.

3: Hindi na ako makasasakay ng bus, jeep, tricycle. Unless, handa akong malamutak, magpakodak at pumirma nang libong beses.

4: Makatatanggap ako ng milyun-milyong pambabackstab at paninirang puri mula sa milyun-milyong Pilipino sa buong Pilipinas. Baka mawala lang ang pagmamahal ko sa bayan.

5: At higit sa lahat, hindi talaga ako tatagal sa showbizness dahil hindi ako makinis at Hispanic-Filipina-Chinese beauty at wala rin akong extraordinary talent para maging negligible yung mga kakulangan kong iyon. (except for modeling: kaso di rin pala ako matangkad.)

3 comments:

Ako si Erika said...

salamat nang sobra enzo.
salamat din nang sobra joey at sana nga di na magtago pa ang hidden talents ko.

JPaul said...

wag ka nang pumasok sa showbiz... backstaban at hilahan lang yan pababa (unless biagtin ka.. pero kahit si sharon minsan sinisiraan pa rin eh) wag na..

gusto mo ba talagang kulitinng kabaklaan ni boy abunda at marinig ang tawa ng kris aquino?

Ako si Erika said...

teh, tama ka dyan.hahaha
jpaul, sige hindi na talaga. buburahin ko na sa aking mga ilusyon ang pag-aartista..