Friday, December 15, 2006

Sa mata ko...

Ang dami kong gustong isulat. Tungkol sa akin, sa aking pag-aaral, sa aking organisasyon at sa ating lipunan. Ang dami kong gustong gawin sa buhay ko pero nakukulong ako sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung paano lalabas. Ang nakatatakot ay hindi ako natatakot sa pagtatanga kong ito.

Ngayong linggong ito, may mga bagay akong natutunan. Ang sarap pa lang sumigaw. Ang gaan nung pakiramdam ng marami kang kasama sa mga ipinaglalaban. Hindi ka nag-iisa. Alam ko na ang dahilan kung bakit maraming estudyante ang aktibong sumasali sa mga mobilisasyon. kung bakit hindi sila natatakot kahit buhay nila ang nakataya. kung bakit sinusunog ang mga effigy. kung anong klaseng dismaya at pagkakuntento sa tuwing sila ay lumalabas sa mga kalye at binubulyawan ang Bayang magising sa mga pagkakahimbing niya. Kahit siguro ikuwento ko yung buo kong karanasan, hindi ko pa rin talaga masasabi ang mahalaga. Mas nangungusap ang mga karanasan.

Nauuhaw ako sa kagustuhang lumublob pa lalo sa kanilang mundo. Tanong ng iba: magiging aktibista ka na ba? Ang pagiging aktibista ay hindi lamang nakukulong sa pagsigaw sa kalye. Maraming klase ng protesta. Ang sigurado ko ngayon. Mas matatag na akong panghawakan at ipaglaban kahit na patayan pa ang aking mga pinaniniwalaang prinisipyo.

No comments: