Kahapon Pasko. Na-feel mo ba? Sa totoo lang hindi. Grabe ang hirap magsaya’t makalimot. Ang hirap nang tumakas sa mga problema.
Naisip ko lang kung babalikan natin ang nativity scene. Nung pinanganak si Hesus, pinaramdam ng buong mundong hindi siya welcome dito. Sa sabsaban ka ba naman ipanganak! Ambaho nun di ba? Kasama mo mga hayop! Grabehan… Ang tunay na esensya ng Pasko ay natabunan na ng iba’t ibang simbolismo. Santa Clause. Mistletoe. Candy cane. Christmas tree. Parol. Regalo. Caroling. At kung anu-ano pang ka-churvahan. Masaba ito? Hindi naman. Ang saya nga dib a? Kaso lang ang Pasko naman ay hindi lang tungkol sa kasiyahan. Ito ay isang paggunita. Paggunita ng kapanganakan ni Hesus. Dapat birthday ang theme okay? Hay…Labo.
NGAYONG NAGDAANG PASKO:
Nagawa kong kumain ng buko pandan!! Kasalanan ito. Masuka suka na ako pero ninang ko kasi yung nagbigay ang hirap tumanggi. FYI: ayoko ng amoy ng pandan eh.hehe. saka tanglad, kaya naman hindi ako kumakain ng lechon.
Nanood ako ng Shake, Rattle and Roll 8. Benta. Sulit naman kasi tatlong kuwento kumpara sa isa lang di ba?
Bumili ako ng Monami pen. Yung iba’t ibang kulay na may mga designated aso kada kulay.
Nakakain ng tatlong klaseng spaghetti. Classic, White sauce at Seafood. Grabe tumaba na naman ako.
Syempre, uminom. One on one kami ng girlfriend ng kuya Mark ko, si Ate Karen. Like duh? Tigdalawang bote lang kami ng SanMig light. The perfect blend between right and light.
Niregaluhan ko ang ultimate Ninang ko ng Dan Brown’s Angels and Demons. Mahilig kasi siya sa mga libro. Ang laki ko na kaya siya naman ang pinamaskuhan ko.
Nabili ko yung gusto kong bilhin sa bench. Ano yun? sikretong malupit.
Nakasama ko nang matagal ang aking sarili.
Para magmuni-muni.
Makapag-isip-isip.
Nang mabuti.
No comments:
Post a Comment